Sumilang

Mga kuru-kuro, opinyon, at kwentong buhay

Nasaan na ang pinagmamalaking 7.3 economic growth ni GMA?  

Noon pa man ay hindi ko na pinaniwalaan ang mga pagyayabang ng pamahalaang Arroyo na lumaki ng ilang purysento ang ekonomiya ng bansa. Hibang ang taong maniniwalang totoo ito.

Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni GMA na nakaranas ng 7.3% na paglaki ang ating ekonomiya, isang bagay na labis nilang ipinagyayabang para matakpan ang mga katiwalian sa kanyang pamamahala.

Ginagamit din ito ng kanyang mga taga suporta para patuloy na liuhin at linlangin ang taumbayan sa paghahanap nito sa katotohanan sa likod ng mga sunud-sunod na kontrobersyang kinasasangkutan ni GMA, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga alipores. Mas mabuti na raw si GMA dahil kahit papaano ay napapalago ang ating ekonomiya.

Nakakalungkot dahil may mga taong kumakagat sa ganitong propaganda ng administrasyong Arroyo.

Kung …

The article has

no responses yet

Written by jhay

March 19th, 2008 at 5:31 pm

Posted in Daily Dose, Opinyon

Tagged with , ,

Sinong paaralan ang tatanggap kay Abalos?  

Nakakatawa naman si Ben Abalos, ang dating Chair ng COMELEC na ‘nagpabukol’ sa ZTE-NBN deal na dagdag sa mga isyung nagpapatunay kung gaano kakurakot at sakim ang gobyernong Arroyo.

Ayon sa Inquirer, siya daw ay “willing to go on a campus tour” sakaling imbitahan ng mga estudyante sa kanilang paaralan tulad ng ginagawa ngayon ng ZTE-NBN deal star witness Jun Lozada kung saan ibinabahagi niya ang kanyang storya at karanasan ukol sa maanomalyang kasunduang ito.

Ito raw ay para marinig naman ng mga estudyante ang ‘kabilang panig’ sa kontrobersyang ito at hindi puro si Jun Lozada lamang ang napapakinggan. Dagdag pa ng abogado ni Abalos na ito ay upang maiwasan na madala sa mga kwento ni Lozada ang mga …

The article has

one response

Written by jhay

March 2nd, 2008 at 7:48 pm

Posted in Daily Dose, Opinyon, Pulitika

Tagged with , , ,

Hindi pa tapos ang pasko para sa AFP?  

2008 na, pero mukhang nasa panahon pa rin ng pasko at paghihiling ang AFP.

Minungkahi nito na buhayin muli ang national ID system, nang sa ganoon ay tuluyan daw masugpo ang mga rebeldeng NPA at mga terorista. Talaga lang ha?

Ang mungkahi/hiling na ito ay base sa sinabi nilang ito na raw ang pinaka-mahinang estado o kalagayan ng NPA sa loob ng 20-taon, kung saan 6,000 na lang daw ang mga aktibong rebelde na nakalat sa buong bansa.

May mga dagdag ‘kahilingan’ din ang militar:

  • Buhayin muli ang ROTC
  • Dagdag na P3.5 bilyong piso para sa kanilang mga programa
  • Karagdagang 6 na batalyong sundalo
  • Karagdagang 20 kompanya ng mga CAFGUs

Nahihibang na ba talaga ang militar? Kung totoo nga na ngayon na ang pinakamahinang estado ng …

The article has

one response

Written by jhay

January 8th, 2008 at 10:03 am

Posted in Opinyon

Tagged with , , ,

Palayasin ang mga pakialamerong sundalong Kano  

Nang mabasa ko ang balitang ito, naalala ko tuloy ang pamagat ng mga nakaraang blog post ni Arbet tungkol sa mga nararanasan ng mga magigiting ng Sumilao farmers. Kababuyan ang salitang ginamit niya.

Bagaman hindi tungkol sa Sumilao farmers ang sulating ito, gusto ko ring gumamit ng mga ilang salita upang ibuod ang nangyari sa Mindanao noong Nobyembre 30 nang inutusan daw ng mga sundalong Amerikano na isara ang ospital sa bayan ng Panamao pagdating ng alas-6 ng gabi.

Bastusan. Ito ang isa sa mga salitang madaling makakapagsaad ng pangyayaring iyon.

Ayon sa balita ng Inquirer.net:

Earlier, Dr. Silak Lakkian, chief of the Panamao district hospital, said US forces led by a Master Sergeant Ronburg have threatened to shoot anybody …

The article has

no responses yet

Written by jhay

January 1st, 2008 at 9:27 am

Si Erap tatakbo uli sa 2010?! Panginoon patawarin nyo sila…  

Hindi ko sukat akalain na isang napakasamang balita ang sasambulat sa aking paningin, ilang oras pa bago dumating ang bagong taon.

Ayon sa balita ng Inquirer.net, posibleng tumakbo uli si dating Pangulo, magnanakaw-na-pinawalang-sala-ng-isa-pang-magnanakaw Erap Estrada sa pagka-Pangulo sa darating na halalan ng 2010. Ito raw ay sa dahilang “sobrang dami” ng mga potensyal na kandidato sa pagka-Pangulo ang nasa panig ngayon ng oposisyon.

Ito na marahil ang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay sa kanilang mga plano ang oposisyon, dahil hindi sila nag-iisip ng matuwid at tama, marahil (na huwag sana) ay mga engot sila dahil kung “sobrang dami” ng potensyal na kandidato sa pagka-Pangulo mula sa kanilang mga hanay ay bakit mauuwi ang lahat sa isang dating Pangulo na pinalayas …

The article has

no responses yet

Written by jhay

December 31st, 2007 at 10:27 am

Talumpati ng Ina ni Cris Mendez+  

Maikling Talumpati ng ina ni Cris Mendez sa National Conference to Stop Hazing na itinaguyod ng Solidarity for Anti-Hazing Via Education (SAVE) at UP Student-Led Anti-Hazing WAtch (UP SAWA)

Magandang umaga po sa inyong lahat.

Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.

Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang “JJ Ocana” na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking …

The article has

one response

Written by jhay

December 18th, 2007 at 11:48 am

Wala na akong pakialam kay Sen Migz  

Tulad ng sabi ko sa isang komento sa sinulat ni Arbet tungkol sa kakatwang sitwasyon sa pagitan ng mga dakilang magbubukid mula sa Sumilao at sa huwad at mandarayang Senador na si Migz, wala na akong pakialam sa kanya. Makita ko lang siya ay nasusuklam ako. (okay, kalma na, hehehe)

The article has

3 responses

Written by jhay

December 6th, 2007 at 8:49 am