Sumilang

Mga kuru-kuro, opinyon, at kwentong buhay

Mas madali nang makakalusot ang mga rapist?  

Alam ng mga nakakakilala sa akin sa personal ang aking malaking pagtutol sa Visiting Forces Agreement, pero hindi iyon ang paksa ng post na ito. Gusto ko lang ulitin ang saloobin ni Ricky Carandang tungkol sa desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagpawalang-sala kay US Corporal Daniel Smith sa kasong panggagahasa kay Suzette Sombilon Nicolas.

Ayon kay G. Carandang, binago ng desisyon ng CA ang proseso ng pag-aalam kung ang isang babae ay ginahasa o hindi:

“Resistance by words (sic) of mouth does not suffice to establish that she did not give her consent to the sexual intercourse, but it must be by an act done in good faith and not through a mere pretense or token resistance under the circumstance.”

Read it carefully. The judge is not questioning that Nicole said “no”, she is saying that she doubts that Nicole really meant it. Wow. There’s more.

“When a woman is drunk, she can hardly rise, much more stand up and dance, or she would just drop. This is a common experience among Filipino girls.”

Mula ba sa araw na ito ay kapag sinabi ng babae na ayaw niyang makipagtalik sa isang lalake, ang simpleng pagtanggi sa pamamagitan ng mga salita lamang ay hindi na sapat at hindi kaagad-agad pwedeng paniwalaan ng kahit sino man, lalo na ng lalakeng tinanggihan niya?

Kung ganito na ang kalakaran sa ating bansa, nagdadalawang-isip na akong payagang sumama muli ang aking kasintahan at mga kapatid na babaeng sa kanilang mga kaibigan upang gumala at magsaya, lalo na ang mag-inom ng alak.

The article has

no responses yet

Written by jhay

April 25th, 2009 at 12:49 am

Posted in Opinyon

Tagged with ,

Leave a Reply