Archive for the ‘Pulitika’ Category
Ang Taumbayan hindi ang Simbahan
Nakapukaw ng aking interes ang blog post ni Ederic ngayon, “EDSA 2: isang “pagkakamali” ng simbahan?”
Ito ay bunga ng reaksyon niya sa dokumentong isinulat ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila. Ang “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises”
Ayon sa pagkakahimay ni Ederic, tila ipinapalabas ni Fr. Marinay na ang EDSA 2 ay isang “pagkakamali” ng simbahan sa dahilang hindi dapat ito nangingialam sa buhay pulitika ng bansa. Nakabase ito sa doktrinang hiwalay ang estado at ang simbahan.
Sang ayon ako kay Ederic nang sabihin niyang:
Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian — sa mga kademonyohan ng ating mga lider — ay magiging isyu ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado. Sa tingin ko, kung sinasamahan o pinamumunuan lamang ng Simbahan ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng karapatan nilang humingi ng isang mabuti at makatarungang pamamahala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Saligang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didiktahan ng Simbahan ang pangulo na ipatupad sa gobyerno ang mga utos ng Simbahan.
Tama rin naman si Fr. Marinay na hindi dapat magdikta ang simbahan sa kung paano papatakbuhin ang ating gobyerno dahil hindi naman ito ang bokasyon nito, pero tungkulin ng simbahan na ipaalala at umalalay sa mga tao tuwing kumikilos sila para itaguyod ang anumang matuwid, demokratiko at makatwiran.
Sa ganitong punto, hindi na ang simbahan ang nagsasabi sa kung ano ang gagawin sapagkat nagawa na nila ang kanilang tungkulin, iyon ay ang ipaalala sa mga tao na mayroon silang dapat gawin. Ang mga susunod na hakbang ay dapat ipaubaya na sa taumbayan dahil sa kanila nagmumula ang kapangyarihan ng estado at gobyerno, ika nga sa Latin, “vox populi, vox dei” at ito ang esenya ng demokrasya.
Kung hindi man sang-ayon ang pamunuan ng simbahan sa mga gagawin ng taumbayan, ay huwag sanang mag-inarte o mabahala ito, dahil ang mga tao ang simbahan na siya namang bumubuo sa katawan ng Maykapal.
Tungkol naman sa EDSA 2 o anumang direktang pagkilos ng taumbayan, hihiramin ko muli ang sinulat ni Fr Marinay;
The current direction of the CBCP to strengthen political institutions to solve and prevent political crises is a kind of a corrective measure of EDSA II which weakened political institution in the sense that it did not wait for the verdict of the Senator-Judges in the impeachment case against Pres. Estrada. It did not respect the rule of law. It did not give the duly instituted political institution a chance to assert itself and prove its strength to handle such a political turmoil. For this reason, the CBCP did not mention EDSA II, for it did not help strengthen our political institutions. The parliament of the streets, also known as mob rule instrumental in the ouster of Erap Estrada was a shortcut to achieve political change. It was counterproductive, for it weakened our political structures.
Muli sang-ayon ako kay Ederic na hindi dahil nagkamali si Gloria Macapagal-Arroyo ay kamalian na rin ang EDSA 2. Hindi ang EDSA 2 ang nagpahina sa mga institusyong pampulitikal kung hindi ang mga kurakot at traydor na opisyales na nagpapatakbo sa mga ito, at nangunguna si GMA.
Nakakalungkot na umabot sa ganitong punto na ang CBCP mismo ang tatalikod sa diwa ng EDSA. Tiyak akong naghuhumilagpos ang yumaong Cardinal Sin saan man siya naroon ngayon sa ginagawa ng mga kasama niyang Obispo’t taong simbahan.
Ang hindi masyadong napag-uusapan noon at hindi rin binigyang pansin ni Fr Marinay ngayon ay kung paanong napahina din ng Administrasyong Arroyo ang CBCP bilang institusyong matatkbuhan ng taumbayan sa panahon na wala silang ibang matatakbuhan upang ipaglaban kung ano ang nararapat at wasto. Paano? Sa pamamagitan ng mga envelopes na kumalat sa mga kasapi ng CBCP.
Sa ganitong punto, hindi na lamang ang mga “political institutions” ang mahina ngayon, ang lipunang Pilipino, kasama ang Simabahang Katoliko sa ngayon, ay bulok na at malapit nang mapalitan.
Sinong paaralan ang tatanggap kay Abalos?
Nakakatawa naman si Ben Abalos, ang dating Chair ng COMELEC na ‘nagpabukol’ sa ZTE-NBN deal na dagdag sa mga isyung nagpapatunay kung gaano kakurakot at sakim ang gobyernong Arroyo.
Ayon sa Inquirer, siya daw ay “willing to go on a campus tour” sakaling imbitahan ng mga estudyante sa kanilang paaralan tulad ng ginagawa ngayon ng ZTE-NBN deal star witness Jun Lozada kung saan ibinabahagi niya ang kanyang storya at karanasan ukol sa maanomalyang kasunduang ito.
Ito raw ay para marinig naman ng mga estudyante ang ‘kabilang panig’ sa kontrobersyang ito at hindi puro si Jun Lozada lamang ang napapakinggan. Dagdag pa ng abogado ni Abalos na ito ay upang maiwasan na madala sa mga kwento ni Lozada ang mga estudyante na “walang alam sa nangyayari.”
Ayus na sana hindi ba? Yung pagkakataong marinig naman naming mga estudyante ang panig ni Abalos tungkol sa kontrobersyang ito. Pero bakit kailangang ipalabas ng abogado niya na tila kaming mga estudyante ay mangmang at walang alam sa isyung ito? Hindi kami kadaling mauto Atty Panelo.
Hindi na namin kailangang marinig pa ang panig ni Abalos o nang kahit sino pang kampon ng kasamaan na administrasyong Arroyo, dahil sapat na ang mga naranasan naming mga taga De La Salle Dasmarinas noong nakaraang Biyernes upang masabing may mga bagay na ayaw nyo sa aming ipaalam at malayang gawin.
May mga tanong ako kay Atty Panelo at kay Abalos:
Paano kami makikinig sa iyo kung ang mismong mga kapulisang sumusunod sa inyong amo ay ayaw makinig sa aming mga pakiusap noong Biyernes?
Paano namin malalaman ang mga dapat naming malaman kung kami ay ginigitgit, hinaharangan at pinagsisinungalingan noong nakaraang Biyernes?
Paano namin kayo papaniwalaan kung ang inyong mga tauhan ay nilalagay sa panganib ang aming mga buhay?
Panghuli, paano kami nakakasiguro na kung sakaling masikmura naming imibitahan kayo sa aming pamantasan ay hindi bigla na lang magpupumilit pumasok ang mga pulis at sasabihing may banta ng pambobomba sa aming pamantasan?
At bakit nanunuyo kayo sa aming mga estudyante ngayon? Hindi ba dapat sa Senado kayo nagkukwento?
Si Erap tatakbo uli sa 2010?! Panginoon patawarin nyo sila…
Hindi ko sukat akalain na isang napakasamang balita ang sasambulat sa aking paningin, ilang oras pa bago dumating ang bagong taon.
Ayon sa balita ng Inquirer.net, posibleng tumakbo uli si dating Pangulo, magnanakaw-na-pinawalang-sala-ng-isa-pang-magnanakaw Erap Estrada sa pagka-Pangulo sa darating na halalan ng 2010. Ito raw ay sa dahilang “sobrang dami” ng mga potensyal na kandidato sa pagka-Pangulo ang nasa panig ngayon ng oposisyon.
Ito na marahil ang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay sa kanilang mga plano ang oposisyon, dahil hindi sila nag-iisip ng matuwid at tama, marahil (na huwag sana) ay mga engot sila dahil kung “sobrang dami” ng potensyal na kandidato sa pagka-Pangulo mula sa kanilang mga hanay ay bakit mauuwi ang lahat sa isang dating Pangulo na pinalayas ng taumbayan dahilan sa kanyang pagnanakaw sa kaban ng bayan? Marahil ay lahat sila ay magnanakaw din, pero ibang kwento na iyon.
Ibig sabihin ba ay mas malupet, mahusay at mas may kakayanan si Estrada kaysa sina Francis Escudero, Loren Legarda, Manuel Villar, Panfilo Lacson, at Makati Mayor Jejomar Binay?
O dahil habol lang nila ang lakas sa paghatak ng boto ni Estrada kaya gumagawa sila ng paraan para muli siyang makatakbo?
Kung hatak lang naman ng boto ang pag-uusapan, swak na swak na sina Loren Legarda at Francis Escudero dahil silang dalawa ang nanguna sa nakaraang halalan ng mga Senador. Kahit na ang ubod ng yaman at elitistang si Manuel Villar marahil ay hindi makakahakot ng ganoong kadaming boto. Dagdag dito ang husay at kakayanan nina Legarda at Escudero, sapat nang dahilan upang isa sa kanila ang patakbuhin bilang Pangulo sa 2010.
Dapat sanang maunawaan at pakinggan ng mga nasa oposisyon na kaya nanalo sina Legarda at Escudero ay sa may paniniwala ang mga tao sa kanilang husay at kakayanan. Hindi dahil sa sila ay kasama ni Erap sa Oposisyon. Nais ba nilang ulitin ang EDSA Dos?
Dapat ding maunawaan ng Oposisyon na ang hangad ng taumabayan ay pagbabago. Ito ay makakamit lamang kung ang mga papatakbuhin sa darating na halalan ay mga bagong mukha, personalidad, paniniwala, at kakayanan.
Si Erap ay isa nang “relic” ng nakaraan. Jurassic ika nga. Kumbaga sa hayskul, matagal nang alumni si Erap. Panahon na para siya ay manahimik at mamahinga na lamang. Isama niya sa kanyang pagretiro ang mga lumang trapo at pulitiko mapa-Administrasyon o Oposisyon man.
Tandaan nyo ang mga bagay na ito, ang pagbabago ay hindi tumitigil. Ang pagbabago ay dala ng mga kabataan at susunod na henerasyon. At kasama rito si Trillanes. At kapag luma, panis at pangat(long init) na putahe na naman ang ihahain ng Oposisyon sa darating halalalan sa 2010, humanda sila kapag nabagot, nasuka at na-umay ang taumbayan.
Wala na akong pakialam kay Sen Migz
Tulad ng sabi ko sa isang komento sa sinulat ni Arbet tungkol sa kakatwang sitwasyon sa pagitan ng mga dakilang magbubukid mula sa Sumilao at sa huwad at mandarayang Senador na si Migz, wala na akong pakialam sa kanya. Makita ko lang siya ay nasusuklam ako. (okay, kalma na, hehehe)
Lango sa kapangyarihan
Grabe talaga ang mga nasa House of Representatives! Como may posibilidad na mawala sa pagiging Speaker of the House si Yoda de Venecia ay susuportahan nila ang impeachment ni GMA?
Kahit na matagal ko nang gustong ma-impeach si GMA ay hindi ko maiawasang mainis at magalit sa mga Kongresista na yan. Si JDV ba ang pinaglilungkuran ng Kongreso? Si JDV ba ang dahilan kung bakit may Mababang kapalungan?
Paalaala lang po sa inyong lahat: Ang taumbayan ang bumoto sa inyo hindi para magpasarap kayo dyan at kung anu-ano pa man, kung hindi para paglingkuran kaming taumbayan.
Sabi nga ni Luli, “Nakakainis naman no.”
By JESS DIAZ
The Philippine StarThe opposition bloc in the House of Representatives will support the impeachment of President Arroyo if her allies succeed in unseating Speaker Jose de Venecia Jr., Minority Leader Ronaldo Zamora said Friday.
“We will not initiate an impeachment. But if Speaker De Venecia is ousted and his group starts an impeachment process, the minority will most likely support it,” Zamora said in a radio interview.
He said if the Speaker has 50 to 60 loyalists, it would be easy for their combined forces to get the required one-third of all House members to send an impeachment complaint directly to the Senate for trial.
Zamora said though the minority has only 24 members, he can convince six to seven more for a total of 31 to support an impeachment process against Mrs. Arroyo.
With the present membership of 239 of the House, it would require 80 members to transmit a complaint to the Senate.
Malamang ngayon ay nakatengga na naman ang mga panukalang batas na lubhang kailangan ng mga mamamayan dahil ang mga kongresista ay abala sa pagpoprotekta at paglilingkod sa kanilang lider na wala namang inambisyon kung hindi ang sariling kapakanan. (Cha-cha diba!)
Naipasa na ba yung Torture as a Crime bill? Naipasa na ba ang Cheaper Medicines bill? Nakakapanginig talaga ng laman ang mga buwaya, bastardo at balasubas na kongresistang mga iyan.
*okay, kalma na, kalma na…..*
Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law
35 taon na ang nakalipas mula nang idineklara ng diktadurang Marcos ang Batas Militar o Martial Law sa Pilipinas upang sugpuin ang mga pwersang nais magpabagsak sa pasistang si Ferdinand Marcos at wakasan ang pagpapahirap sa mamamayang Pilipino.
Dahil sa Batas Militar, daan-daan ang nabilanggo, tinortyur, pinaslang, at nalapastangan ang mga karapatang sibil at pangtao. 35 taon na ang nakalipas ngunit tila walang pinagkaiba ang panahong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa karapatang pantao, mga pinaslang na mamamahayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-manggagawa ang hanggang sa ngayon ay nawawala.
Patuloy pa rin ang giyera sa Mindanao kung saan libu-libong mga Muslim ang naghihirap. Hanggang sa ngayon, ang mga biktima ng pang-aabuso ng pasistang rehimeng Marcos ay patuloy na naghahanap ng hustisya. Mas nakakalungkot pa nito’y ang mga tulad nilang biktima ng garapalang pang-aabuso sa karapatang pantao ay nadadagdagan pa.
May mga nagsasabi na hindi naman bumalik ang panahon ng Martial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pangulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapangyarihan, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng administrasyong Arroyo, hindi na nga kailangan ng deklarasyon ng Batas Militar, dahil sa kabuuang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kalagayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.
Nariyan ang EO 464, PD 1017, “No Permit, No rally”, ang mga political harrasment sa mga progresibo at maka-kaliwang mambabatas, at ngayon ang huling elemento sa pagsisistematisa ng ‘Martial Rule’ ang Human Security Act of 2007 o ang Anti-Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking palagay ay mamamangha siya sa nagawa ni GMA. “Small but terrorist, terrible” ika nga.
Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakalipas, hindi lamang ang mga mapangabusong gawain ni Marcos ang nabibigyan ng buhay at nanunumbalik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagkilos na ginawa ng mga manggagawa, maralita, kabataan, layko at relihiyoso at lahat ng lumaban sa diktadura at pasistang rehimen ni Marcos.
Partikular dito ang isang mensahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-manggagawa na buong tapang, lakas, at talinong lumaban sa diktador, at sa huli’y buhay niya ang naging kapalit. Ang tinutukoy ko ay ang mensahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyembre, 1983. Mula ito sa librong “20 Speeches that Moved a Nation” - mga koleksyon ng mga talumpating naglalarawan ng makulay na kasaysayan ng Pilipinas at ang mayamang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipagtalumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.
Sa kanyang talumpati o mensahe na pinamatagang “Mensahe sa Limang-araw na Pag-aayuno Para sa Pagpapalaya ng Lahat ng Detenidong Lider-manggagawa at iba pang Bilanggong Politikal” ginunita niya ang tula ng isang rebolusyunaryo, ni Mano de Verdades Posadas upang isalarawan ang kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar, isang malaki at malawak na bartolina:
Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, panggugutom,
panggagahasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigarilyo;
At pagkatapos ay ilantaong
pagkakulong
Nang walang paglilitis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinaiiral na kalagayan
Sa bartolina ng piitang kapuluan.
Sa bandang huli ng kanyang mensahe, kung saan hinimok niya ang mga mamamayan na kumilos at lumaban muli niyang ginunita ang isa pang tula, muli ni Mano de Verdades Posadas:
Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karimlan
Ay di dhilan
Upang tayo’y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kaliitan ng silid,
Huwag na tayong sumiksik
Sa suok at humalukipkip.
Ang pagkakulong
Sa panahong
Wari’y di matatapos
Ay di dapat makaupos
Sa ating pagkilos
Tungo sa paghulagpos
Upang lalong makakilos.
Makulay, makubuluhan at hanggang sa ngayon ay nananatiling tumpak sa ating kasalukuyang kalagayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakalipas. Hanggang kailan pa kaya ito magtatagal? Hanggang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?
Para wakasan ang munting pagbabahagi na ito, isang dalangin ang aking iaalay, para sa mga naging biktima ng karahasan at pangaabuso sa mga karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar at ngayong sa panahong kasalukuyan:
Simulan na ang palabas sa Senado
Nakakatuwa ang blog entry ngayon ni Jove Francisco, hayaan nyong kopyahin, hiramin ko ang ilang mga bagay na tungkol sa pagbabago ng ihip ng hangin sa Malacanang at ang isang nakakatuwang interbyu kay Luli ang anak ng pekeng pangulo.
ERMITA: “The President would like to tell everybody that there’s really nothing wrong with all these issues and that the administration is willing to reveal all it knows about the contract.”
Wow! Parang ‘Hello, Garci’ ano? Ilang buwan ang rehearsal bago magpalabas ang Malacanang. Siguro naman ay kabisado na ng mga miyembro ng gabinete ang kanilang mga linya, pag-arte, at mga adlib.
Sino naman kaya ngayon ang aatakihin sa puso at maoospital? hahaha
————
Sinasabi sa Biblya na mag-ingat sa mga pekeng propeta na magsusulputan kapag malapit na ang katapusan ng panahon na siyang lilinlang at magdadala sa atin sa kapahamakan.
Pero sabi rin ng isang guro ko dati, na hindi dapat paniwalaan ng literal ang mga nakasulat sa Bibliya, mga taong hibang lamang ang gumagawa ng ganito. (Pasintabi sa mga panatiko at deboto)
Sa isang banda, parehong tama ang Bibliya at ang aking dating guro, may mga pekeng propeta at ngayo’y pekeng pangulo. Pakinggan natin; (o basahin)
PGMA: “OUR ATTENTION MUST BE FOCUSED AS OUR ENERGIES MUST BE SPENT ON ACTIVITIES THAT DO GET COMPUTED IN THE GDP. UNFORTUNATELY FOR SOME, MERE EXERCISE OF VOCAL CHORDS IS ALREADY A HARD LABOR. YES, POLITICAL CIRCUSES ARE ENTERTAINING. BUT THESE SHOULD NOT DISSIPATE OUR ENERGIES THE WAY THEY CONSUME THOSE WHO STAGE THEM. LET’S FOCUS ON THINGS THAT MATTER MOST, THE THINGS THAT OUR PEOPLE WANT: JOBS, HEALTH, EDUCATION….THIS IS WHAT GOVERNMENT HAS STAYED FOCUSED ON WHAT FILIPINOS YEARN FOR MOST. WE’RE TIRED OF POLITICAL DRAMA AND SOCIAL INSTABILITY. WE’RE ENTERING AN ERA WHERE THE VAST MAJORITY CAN HAVE A PREDICTABLE FUTURE AND A STEADY JOB IN THE KNOWLEDGE CENTURY…LET’S NOT BE DISTRACTED OR DISTRESSED BY VAUDEVILLE ACTS THAT APPEAL TO OUR WORST FEARS, WHEN WE CAN BE INSPIRED BY WHAT OUR ECONOMY IS SHOWING THAT APPEALS TO OUR BEST HOPES.”
Ito ay kanyang talumpati bilang reaksyon sa mga iskandalong naganap sa Senado tungkol sa NBN contract na iniimbestigahan ng mga Senador. Dito rin binulgar ni JDV3 na hindi lang pala si Abalos ang sangkot, kasama rin ang First Gentleman na Mike Arroyo sa kontrobersyal at maanomalyang kontratang ito.
Magkaganoon man, malinaw na nililinlang tayo ng pekeng pangulo, at pilit na pinaniniwalang dadalhin niya tayo sa kanyang “Enchanted Kingdom” (Abangan)
Pero hindi lang sa pekeng pangulo ka malilito, mabubuang at matatawa kapag nakinig ka. Pati ang kanyang anak, ika-dudugo ng iyong tenga kapag narinig mo siyang sumagot sa mga ilang tanong sa kanya.
(How did you deal with yesterday’s revelations at the senate)
Well ako personally ako nakakainis kasi parang ano, kami na naman yung nakita niyo, eh nananahimik na nga kami na, eh mula sa simula pa lang ng political career ng nanay ko hindi tlaga kami nakikialam sa govt contracts. Ewan ko sa kanya. I mean, ako I don’t use my parents’ influence to get govt contracts. Ewan ko sa kanya. So to me, I mean, don’t..just because you fail in your business practices don’t blame it on innocent people here. So parang, kakainis ka naman noh. But, I mean, what can we do? Ganyan talaga yung… I don’t know. I don’t know if his old drug use affected his thinking but– whatever! I mean, tawa na lang kami diba? I mean kami na naman what else is new?
Naiinis kayo dahil kayo na naman? Hahaha, aba’y sino bang pumipirma sa mga kontrata na pinapasukan ng gobyerno?
(what do you say to allegations that your dad purposely went abroad to evade this)
For me that’s again grasping at straws as thin as his hairline. You know? I mean, my Dad and I, we were talking about several trips that we were gonna do over the next couple of months. I also travel a lot. So do my parents. So we were talking about, oh where are you going, ganyan ganyan. And my dad was saying, o aalis ka na naman—referring to me. So he was even complaining about my travelling. So I really think it’s unfair. Just because they don’t know the whole picture, because we do have our private lives. I mean they shouldn’t impute things they don’t know.
Wala namang masama sa paglilibot sa ibang lugar. Ang masama kapag ang pera ng taumbayan ang ginagamit sa paglilibot, o di kaya’y dinadala niyo sa kung saan mang banko para itago at kamkamin.
(how do you think this will affect the political relationship of your mom with the speaker)
Well to me, well there’s no change in the way my mother runs govt. She’s focused on that. With the speaker and his son, I mean, that‘s their problem That’s really his problem. We don’t wanna meddle there. So sila yung may problema hindi kami.
Hahaha! Tama ka, kasi wala talaga kayong problema, kayo ang problema! hahahaha!!11
(how’s your dad taking these things? Anong sabi niya sa iyo)
He’s ano na lang. Parang nakakainis na nakakatawa. He’s like, hay naku it’s me again. Can’t they see other people? I’m thin na nga. I’m a smaller target pero ako pa rin.
Mawalang-galang na FGMA, sino ang payat?! *ehem* Paanong naging “smaller target” ka eh, kung saan-saan ka nakikita, sa Hong Kong, sa Wack Wack, sa Germany, sa Venice, atbp at kung sinu-sinong tao na makati sa mata ng publiko ang nakikitang kasama mo?
(when is he coming back)
He’ll come back soon. But for me, the only thing important for me is to leave him in peace and let him enjoy naman his holiday.
Babalik yan pagkatapos ng mga hearing sa Senado o kaya ay tuluyan nang malito at mawalan ng interes ang taumbayan sa mga hearing. Dahil sisimulan na ang ‘palabas’ ng Malacanang.
(gusto siyang i-subpoena ng senate)
Well the senate, they have their own rules and I leave it to them. And we have nothing to hide.(di d ur mom sleep well last night)
Yeah we’re fine! I mean there’s really no problem there. I think I get more inis because she’s used to it eh. To me it’s really just frustrating that we’re doing so well and they’re looking for things that are not there. So gawa na lang sila ng kwento.
Ako rin may isang kwento, ang pamagat niya ay “Hello, Garci.” May maiksing video pa nga ako e.
The article has
no responses yet