Sumilang

Mga kuru-kuro, opinyon, at kwentong buhay

Archive for the ‘kasaysayan’ Category

Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law  

35 taon na ang nakalipas mula nang idineklara ng diktadurang Marcos ang Batas Militar o Martial Law sa Pilipinas upang sugpuin ang mga pwersang nais magpabagsak sa pasistang si Ferdinand Marcos at wakasan ang pagpapahirap sa mamamayang Pilipino.

Dahil sa Batas Militar, daan-daan ang nabilanggo, tinortyur, pinaslang, at nalapastangan ang mga karapatang sibil at pangtao. 35 taon na ang nakalipas ngunit tila walang pinagkaiba ang panahong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa karapatang pantao, mga pinaslang na mamamahayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-manggagawa ang hanggang sa ngayon ay nawawala.

Patuloy pa rin ang giyera sa Mindanao kung saan libu-libong mga Muslim ang naghihirap. Hanggang sa ngayon, ang mga biktima ng pang-aabuso ng pasistang rehimeng Marcos ay patuloy na naghahanap ng hustisya. Mas nakakalungkot pa nito’y ang mga tulad nilang biktima ng garapalang pang-aabuso sa karapatang pantao ay nadadagdagan pa.

May mga nagsasabi na hindi naman bumalik ang panahon ng Martial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pangulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapangyarihan, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng administrasyong Arroyo, hindi na nga kailangan ng deklarasyon ng Batas Militar, dahil sa kabuuang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kalagayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.

Nariyan ang EO 464, PD 1017, “No Permit, No rally”, ang mga political harrasment sa mga progresibo at maka-kaliwang mambabatas, at ngayon ang huling elemento sa pagsisistematisa ng ‘Martial Rule’ ang Human Security Act of 2007 o ang Anti-Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking palagay ay mamamangha siya sa nagawa ni GMA. “Small but terrorist, terrible” ika nga.

Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakalipas, hindi lamang ang mga mapangabusong gawain ni Marcos ang nabibigyan ng buhay at nanunumbalik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagkilos na ginawa ng mga manggagawa, maralita, kabataan, layko at relihiyoso at lahat ng lumaban sa diktadura at pasistang rehimen ni Marcos.

Partikular dito ang isang mensahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-manggagawa na buong tapang, lakas, at talinong lumaban sa diktador, at sa huli’y buhay niya ang naging kapalit. Ang tinutukoy ko ay ang mensahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyembre, 1983. Mula ito sa librong “20 Speeches that Moved a Nation” - mga koleksyon ng mga talumpating naglalarawan ng makulay na kasaysayan ng Pilipinas at ang mayamang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipagtalumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.

Sa kanyang talumpati o mensahe na pinamatagang “Mensahe sa Limang-araw na Pag-aayuno Para sa Pagpapalaya ng Lahat ng Detenidong Lider-manggagawa at iba pang Bilanggong Politikal” ginunita niya ang tula ng isang rebolusyunaryo, ni Mano de Verdades Posadas upang isalarawan ang kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar, isang malaki at malawak na bartolina:

Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, panggugutom,
panggagahasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigarilyo;
At pagkatapos ay ilantaong
pagkakulong
Nang walang paglilitis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinaiiral na kalagayan
Sa bartolina ng piitang kapuluan.

Sa bandang huli ng kanyang mensahe, kung saan hinimok niya ang mga mamamayan na kumilos at lumaban muli niyang ginunita ang isa pang tula, muli ni Mano de Verdades Posadas:

Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karimlan
Ay di dhilan
Upang tayo’y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kaliitan ng silid,
Huwag na tayong sumiksik
Sa suok at humalukipkip.
Ang pagkakulong
Sa panahong
Wari’y di matatapos
Ay di dapat makaupos
Sa ating pagkilos
Tungo sa paghulagpos
Upang lalong makakilos.

Makulay, makubuluhan at hanggang sa ngayon ay nananatiling tumpak sa ating kasalukuyang kalagayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakalipas. Hanggang kailan pa kaya ito magtatagal? Hanggang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?

Para wakasan ang munting pagbabahagi na ito, isang dalangin ang aking iaalay, para sa mga naging biktima ng karahasan at pangaabuso sa mga karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar at ngayong sa panahong kasalukuyan:

The article has

5 responses

Written by jhay

September 21st, 2007 at 8:00 am

KABATAAN party-list convention  

This afternoon, I just came from the national convention of the Kabataan party-list as I was invited by Mong Palatino - the party’s national president and amongst its nominees - at the San Juan Gymnasium. With me were my new friends and comrades in progressive youth activities Kalai and Cyrus also from Cavite. We arrived there at 3pm and Rep. Peter Cayetano was already in the heat of his speech. We weren’t able to hear and understand much of what he said partly because we were seated in the back-most row and back there, it was noisy, rowdy and lots of youth were moving to and from their seats. Who could blame them? Not all the youth are that interested in actively participating in politics let alone listen to what politicians have to say.

Now that’s where Kabataan party-list steps in and changes things up. Mobilizing and educating the youth to become more aware and inspiring them to actively participate in political life of the country is as noble and worthy cause as any. Sure the teens at the back were noisy, rowdy and seemed to care less of what’s going on stage but their presence at the national convention is a good start given the party’s goals:

  1. Isulong ang mga batayang karapatan ng Kabataan para sa edukasyon sa pamamagitan ng pagigiit ng dagdag na pondo sa edukasyon at kagyat na pagpapatigil ng tumitinding komersalisyon ng edukasyon.
  2. Itaguyod ang makabayan at maka-masang edukasyon at pagyamanin ang siyentipikong edukasyon na malaya mula sa mga palasak na ideya.
  3. Igiit ang karapatan ng Kabataan at mamamayan para sa disenteng empleyo, pantay na oportunidad at makataong kondisyon ng pamumuhay.
  4. Suportahan ang mga batayang karapatan ng bawat Pilipino na mamuhay sa isang lipunang malaya mula sa krimen, pagkalulong sa droga, giyera, militarisasyon, peligro sa kapaligiran, dekadenteng kultura, prostitusyon, kagutuman at diskriminasyon sa kasarian, edad, kapansanan at relihiyon.
  5. Pagyamanin ang sports, culture and arts para sa pagunlad ng Kabataan.
  6. Tiyakin ang parisipasyon ng Kabataan sa lahat ng aspeto ng pamumuno ng gobyerno at pagdedesisyon ng mga kinatawan ng pamahalaan.
  7. Mag-ambag sa sistema ng pagbabago ng lipunan sa pamamagitan ng pagkakaisa ng dedikasyon ng Kabataan na paglingkuran ang sambayanan at palakasin ang pakikipagkaisa sa sektor ng manggagawa, magsasaka, maralitang taga-lunsod, pambansang minorya at iba pang marginalized sectors sa lipunan.
  8. Ipagtanggol at bantayan ang kalayaan, respeto sa pambansang patrimonya, pag-ibig at debosyon sa Inang Bayan.
  9. Pagyamanin ang tunay na pambansang industriyalisasyon, repormang agraryo at makamasang polisiya sa ekonomiya.
  10. Payabungin ang pandaigdigang pagkakaisa ng Kabataan at mamamayan sa mga bansang kahalintulad ang prinsipyong isinusulong sa KABATAAN Partylist.

Need more reasons why to join Kabataan Partylist? The goals above is more than enough to convince any youth to join and give his voice and efforts to the collective will of members of the party.

At the convention, I met a few of the student-leaders from the seasoned and well respected youth organizations in the country; Lengua de Guzman of Anakbayan, (apologies if I mispelled her first name) and National Union of Students of the Philippines‘ Secretary-General Alvin Peters whom has asked me to make comments and help them in making a better website and web presence for the NUSP. Talk about off line marketing, networking and project opportunities. Anyways, it was a successful day for the Kabataan partylist, they never expected that they would be able to almost fill the San Juan gym with youth members from almost all walks of life. They had Shara Sotto singing on stage and actually signing up to join the party. With these little achievements will follow even more achievements with the ultimate one in the near future, representing the youth in Congress.

I’m looking forward to joining more activities in support of the Kabataan party and its allies. Until then, Mabuhay ang KABATAAN!

The article has

33 responses

Written by jhay

January 20th, 2007 at 12:04 am

Ang mga Maranao - Isang pagninilay  

*Isinumite bilang isang reaksyong papel tungkol sa isang dokyumentaryo tungkol sa mga Maranao, bilang bahagi ng akademikong pangangailangan sa Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas. Pamantasang De La Salle Dasmariñas, Agosto 2006.

maranaoTunay na nakakamangha ang yaman at kulay ng kulturang Pilipino. Isa na sa mga matitingkad na kulturang ito ang kultura ng mga kapatid nating Maranao na naninirahan sa Mindanao at mga karatig pulo. Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ay maunlad at yumayabong na ang kanilang kultura, relihiyon, at lipunan. Ang kanilang pagkikipagkalakalan sa mga kapatid nating Asyano ang isa sa mga pangunahing tumutulong sa pag-unlad at pagyaman ng kanilang lipunan at kultura. May sarili silang sistemang panlipunan, mga paniniwala at tradisyon, reilihiyon, at iba pa na matagal na nilang pinapaunlad bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop.

Sa katunayan, ang mga Pilipino sa Mindanao ang may pinakamataas na antas ng kaunlaran. Ang kanilang lipunan ay nasasaayos na sa isang porma ng pyudalismong Asyano na pinamumunuan ng mga datu at maharlika. Taliwas ito sa mga maling paniniwala na ang mga dayuhang mananakop ang nagdala ng sibilisasyon at nag-ahon sa ating mga ninuno mula sa pagiging primitibo. Ito ay mali, dahil tulad ng nabanggit kanina, matagal nang maunlad ang mga lipunang Pilipino at nangunguna sa mga ito ang mga Muslim sa Mindanao, kabilang na ang mga Maranao.

Ang kanilang makukulay na tradisyon, paniniwala, ritwal at umuusbon na industriya’t tekonolohiya at patuloy na uunlad kung hindi lang sana nanghimasok ang mga dayuhan. Ngunit naging matibay at tapat sila sa kanilang kinagisnan sapagkat tumutol sila sa ganap na pananakop ng mga dayuhan. Nag-alay ng dugo at buhay upang mapanatiling buo at orihinal ang kanilang kultura’t lipunan na hanggang sa ngayon at patuloy na umuusad kasabay ng panahon.

Imahe mula sa Ethno-liguistic Groupings in Mindanao

The article has

11 responses

Written by jhay

October 20th, 2006 at 11:01 am

Posted in Opinyon, kasaysayan, kultura