Sumilang

Mga kuru-kuro, opinyon, at kwentong buhay

Archive for the ‘Daily Dose’ Category

Isulong ang Luntiang Rebolusyon  

Matagal-tagal ko nang gustong magsulat tungkol sa kasalukuyang krisis sa bigas at pagkain na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Pero hihiramin ko na lang muna ang mga puntos sa editoryal ng Philippine Daily Inquirer ngayon; “Another Green Revolution” kung saan minumungkahi na sundin ang mga payo at rekomendasyon na inihain sa kakatapos lamang na Asian-European Editors Forum sa Bangkok, Thailand.

1. Increasing productivity in rain-fed rice, which could reduce poverty and increase global food supplies.

2. Providing adequate water control by setting up intensive, productive irrigated systems.

3. Developing the means for farmers to adopt and use existing technologies that are known to raise yields.

4. Developing rice varieties that can cope with climate change. Macintosh said that an increase in temperature of 1 degree Celsius causes a 10 percent drop in yield. He said problems that are bad now and will worsen with climate change are droughts, flooding and salinity.

5. Solving the problem of “too much water,” including recurrent flooding, because rice “drowns” in an excess of water.

6. Intensifying research for environmentally and socially adapted plants, including hybrid plant breeding and genetic engineering.

7. Making agriculture a political priority and increasing investments in rural infrastructure and market development.

Ipinaalala ng editoryal na noong Luntiang Rebolusyon o Green Revolution noong 1960s hanggang 1970s ang dahilan kung bakit nakamit ng Pilipinas ang pagiging “self-sustaining” o nakaka-asa sa sariling estado pagdating sa suplay ng bigas, ang pinakamahalagang panananim sa Timog-Silangang Asya.

Tulad ng sabi ng editoryal, kung nagawa natin noon, magagawa uli natin ngayon lalo na’t may mga modernong teknolohiya at kagamitan na pwedeng gamitin natin ngayon.

Ang mga dole-outs ng gobyernog Arroyo ngayon ay pansamantalang lunas lamang sa krisis ng bigas ngayon, at dahil lalong lulubha ang krisis na ito sa darating na mga panahon, lalo na sa panahon ngayon ng climate change, napakahalagang bigyan ng malaking pansin ang pagsasaayos at pagpapalago ng ating agrikultura.

Bukod sa mga magagandang puntos ng editoryal tungkol sa kung ano ang magandang gawin sa ating agrikultura, tulad ng mas mas malaking atensyon mula sa gobyerno, pamumuhunan o investments, at pagbabalik-loob sa ating kultura ng pagsasaka, kailangang tandaan na susi sa matagumpay na paglago at pagunlad ng ating agrikultura ang tunay na repormang agraryo. Huwag din magpadala sa pinapausong biofuels dahil kapag sumobra ang atensyon at pamumuhuhan para dito, baka wala nang lupang matamnan ng palay tayong mga Pilipino. Makakatipid nga tayo sa inaangkat na langis, mananatili tayong nakatali sa presyo ng bigas na ating inaangkat habang patuloy na magugutom ang ating mga kababayan.

Hindi masama ang industriyalisasyon, pero tandaan natin na sa buong kasaysayan ng tao, ang lahat ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa ngayon ay dumaan muna sa mayabong at maunlad na estado ng agrikultura, dahil dito kumukuha ng inputs ang mga industriya, samantalang dito kumukuha ng kapital ang mga yumamang magsasaka na naging negosyante na siya namang nagpatakbo ng industriyalisasyon ng isang bansa.

The article has

no responses yet

Written by jhay

June 17th, 2008 at 8:57 am

Korte Suprema napasok na rin ng kasamaan  

Naglabas na rin ng desisyon ang Korte Suprema sa petisyon ni Sec Romulo Neri. Dito hiniling niya na pagbawalan ang Senado na arestuhin siya dahil sa paggamit niya ng “executive privilege” para hindi sagutin ang mga tanong ng mga Senador na nag-iimbestiga tungkol sa natigil at kontrobersyal na NBN-ZTE deal.

Ang desisyon: 9-6 pabor kay Neri. Tuwang-tuwa malamang ang Malakanyang sa desisyong ito ng Korte Suprema.

Sadyang nakakalungkot at nakakabahala dahil ang desisyong ito ng Korte Suprema ay may halong kontrobersya.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN ganito ang nangyari sa botohan at pagsusulat ng desisyon:

The majority ruling was penned by SC Associate Justice Teresita de Castro.

She was supported in her decision by Associate Justices Renato Corona, Minita Chico-Nazario, Presbitero Velasco, Antonio Nachura, Dante Tinga, Arturo Brion, Leonardo Quisumbing, and Ruben Reyes.

The six who dissented were: Chief Justice Reynato Puno; Associate Justices Antonio Carpio, Adolfo Azcuna, Conchita Carpio-Morales, Alicia Martinez, Consuelo Ynares-Santiago.

Associate Justice Ynares-Santiago was actually on leave during today’s deliberations, but she left her dissenting vote.

Malinaw na ang mga bumoto para paboran si Neri ay ang mga Ass Justices na itinalaga ni Gloria Macapagal-Arroyo sa Korte Suprema. Sang-ayon ako sa obserbasyon ni Atty Vincula:

There is an unsurprising lack of shame in Brion voting on a petition where he did not participate and where popular sentiment held that his appointment was precisely to forestall the effects of a Velasco inhibition. There is also an uncharacteristic lack of delicadeza in De Castro writing for the majority, where her appointment was clearly seen as a reward for convicting Estrada.

This vote, coming on the heels of the 10-4 vote in the Chavez decision, shows just how much headway the Gloria appointees are making in controlling the court. If she lasts until 2010, Gloria Arroyo would have appointed all but one of the Justices (Puno is the exception; but since she appointed Puno Chief Justice, technically she could be considered to have appointed all the Justices).

How’s that for separation of powers? Checks and balances, anyone?

Sinasabing magandang ugali nating mga Pilipino ang pagpapahalaga sa “utang na loob” pero sa pagkakataong ito, hindi naging maganda ang bunga ng kaugaliang ito.

Hindi pa inilalabas ang kopya ng desisyon ng Korte Suprema kaya masyado pang maaga para magibay ng dagdag na komento, pero ang isa sa dapat talagang abangan ay ang salungat na opinyon ni Chief Justice Reynato Puno na di-umano’y umabot sa 100 pahina! Malamang, mula dito ay pwedeng bumase ang Senado sa mga susunod na hakbang na gagawin nila.

Sa kabilang banda, isa ito sa mga dagdag na dahilan upang ipagpatuloy at lalong pagigtingin ang malawakang kilos-protesta at mobilisasyon na pangungunahan ng mga kabataan. Kung noon ay sinasabing huminahon muna at idaan sa tamang proseso, ngayon ay hindi na.

Nakita na ng taumbayan at ng mga kabataan na ang mga mapayapa, demokratiko at ligal na paraan ay unti-unti nang nababahiran ng kasamaan, korupsyon at kabuktutan, wala nang iniiwang pagkakataon kung hindi ang direktang kumilos para sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.

Tandaan natin ang isang kasabihan; “Kung ayaw sa Santong dasalan, idaan sa Santong paspasan.”

The article has

no responses yet

Written by jhay

March 25th, 2008 at 7:51 pm

Posted in Daily Dose, Opinyon

Tagged with , , ,

Nasaan na ang pinagmamalaking 7.3 economic growth ni GMA?  

Noon pa man ay hindi ko na pinaniwalaan ang mga pagyayabang ng pamahalaang Arroyo na lumaki ng ilang purysento ang ekonomiya ng bansa. Hibang ang taong maniniwalang totoo ito.

Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni GMA na nakaranas ng 7.3% na paglaki ang ating ekonomiya, isang bagay na labis nilang ipinagyayabang para matakpan ang mga katiwalian sa kanyang pamamahala.

Ginagamit din ito ng kanyang mga taga suporta para patuloy na liuhin at linlangin ang taumbayan sa paghahanap nito sa katotohanan sa likod ng mga sunud-sunod na kontrobersyang kinasasangkutan ni GMA, ng kanyang pamilya at ng kanyang mga alipores. Mas mabuti na raw si GMA dahil kahit papaano ay napapalago ang ating ekonomiya.

Nakakalungkot dahil may mga taong kumakagat sa ganitong propaganda ng administrasyong Arroyo.

Kung ayaw pa rin nilang maniwala at gustong patuloy na magbulag-bulagan, heto ang isang balita na yayanig sa kanilang mundo:

Unemployment rate worsens to 7.4% (Ranks of jobless Filipinos swell to 2.7M)

THE COUNTRY’S unemployment rate worsened to 7.4 percent in January, bolstering criticisms that the growing economy has failed to create more jobs.

The unemployment rate in October 2007, when the last Labor Force Survey was conducted by the National Statistics Office, stood at 6.3 percent.

On a year-on-year basis, the latest unemployment rate eased slightly from 7.8 percent.

The NSO said the unemployment rate in January translated to 2.7 million jobless Filipinos out of the 36.4 million belonging to the labor force. In October, jobless Filipinos were estimated at 2.3 million.

The underemployment rate also rose to 18.9 percent in January from 18.1 percent in October. The NSO defines the underemployed as those who were seeking additional hours of work.

Muli nasaan ang ipinagmamalaking 7.3% economic growth na ipinagyayabang ni GMA?

Diyos ko po naman, gumising na kayo sa katotohanan!

The article has

2 responses

Written by jhay

March 19th, 2008 at 5:31 pm

Posted in Daily Dose, Opinyon

Tagged with , ,

Sinong paaralan ang tatanggap kay Abalos?  

Nakakatawa naman si Ben Abalos, ang dating Chair ng COMELEC na ‘nagpabukol’ sa ZTE-NBN deal na dagdag sa mga isyung nagpapatunay kung gaano kakurakot at sakim ang gobyernong Arroyo.

Ayon sa Inquirer, siya daw ay “willing to go on a campus tour” sakaling imbitahan ng mga estudyante sa kanilang paaralan tulad ng ginagawa ngayon ng ZTE-NBN deal star witness Jun Lozada kung saan ibinabahagi niya ang kanyang storya at karanasan ukol sa maanomalyang kasunduang ito.

Ito raw ay para marinig naman ng mga estudyante ang ‘kabilang panig’ sa kontrobersyang ito at hindi puro si Jun Lozada lamang ang napapakinggan. Dagdag pa ng abogado ni Abalos na ito ay upang maiwasan na madala sa mga kwento ni Lozada ang mga estudyante na “walang alam sa nangyayari.”

Ayus na sana hindi ba? Yung pagkakataong marinig naman naming mga estudyante ang panig ni Abalos tungkol sa kontrobersyang ito. Pero bakit kailangang ipalabas ng abogado niya na tila kaming mga estudyante ay mangmang at walang alam sa isyung ito? Hindi kami kadaling mauto Atty Panelo.

Hindi na namin kailangang marinig pa ang panig ni Abalos o nang kahit sino pang kampon ng kasamaan na administrasyong Arroyo, dahil sapat na ang mga naranasan naming mga taga De La Salle Dasmarinas noong nakaraang Biyernes upang masabing may mga bagay na ayaw nyo sa aming ipaalam at malayang gawin.

May mga tanong ako kay Atty Panelo at kay Abalos:

Paano kami makikinig sa iyo kung ang mismong mga kapulisang sumusunod sa inyong amo ay ayaw makinig sa aming mga pakiusap noong Biyernes?

Paano namin malalaman ang mga dapat naming malaman kung kami ay ginigitgit, hinaharangan at pinagsisinungalingan noong nakaraang Biyernes?

Paano namin kayo papaniwalaan kung ang inyong mga tauhan ay nilalagay sa panganib ang aming mga buhay?

Panghuli, paano kami nakakasiguro na kung sakaling masikmura naming imibitahan kayo sa aming pamantasan ay hindi bigla na lang magpupumilit pumasok ang mga pulis at sasabihing may banta ng pambobomba sa aming pamantasan?

At bakit nanunuyo kayo sa aming mga estudyante ngayon? Hindi ba dapat sa Senado kayo nagkukwento?

The article has

one response

Written by jhay

March 2nd, 2008 at 7:48 pm

Posted in Daily Dose, Opinyon, Pulitika

Tagged with , , ,

Palayasin ang mga pakialamerong sundalong Kano  

Nang mabasa ko ang balitang ito, naalala ko tuloy ang pamagat ng mga nakaraang blog post ni Arbet tungkol sa mga nararanasan ng mga magigiting ng Sumilao farmers. Kababuyan ang salitang ginamit niya.

Bagaman hindi tungkol sa Sumilao farmers ang sulating ito, gusto ko ring gumamit ng mga ilang salita upang ibuod ang nangyari sa Mindanao noong Nobyembre 30 nang inutusan daw ng mga sundalong Amerikano na isara ang ospital sa bayan ng Panamao pagdating ng alas-6 ng gabi.

Bastusan. Ito ang isa sa mga salitang madaling makakapagsaad ng pangyayaring iyon.

Ayon sa balita ng Inquirer.net:

Earlier, Dr. Silak Lakkian, chief of the Panamao district hospital, said US forces led by a Master Sergeant Ronburg have threatened to shoot anybody seen at the hospital premises after 6 p.m.

“I take back those words and I am apologizing, it’s unfortunate but it was not really the real intention. Our real intention was to protect the people but reception (how locals took the order), we were just misunderstood,” Tan quoted Major Eric Walker as saying during a “face to face confrontation” with Lakkian on Sunday morning.

Walker is commander of Joint Special Operations Task Force (JSOTF) Sulu Forward Base based in Camp Teodulo Bautista in Jolo.

Bastusan talaga. Tama ang reaksyon ni Sulu Sulu Governor Abdusakur Tan na mali ang ginawang utos ng mga sundalong Amerikano dahil wala silang karapatan at kapangyarihan na gawin ang nasabing utos na nagpapasara sa ospital. Ang mas nakakabahala at mas nakakaalarma ay ang pasabi ng mga Kano na babarilin nila ang sinumang nasa paligid ng ospital kapag sumapit ang alas-6 ng gabi.

Matino at mahusay talagang mag-isip ang mga aroganteng sundalong Amerikano. Kung basta na nga naman silang mamamaril ng mga tao sa paligid ng ospital ay hindi mawawalan ng gawain at magkakaroon ng silbi ang opsital!

Sadyang arogante talaga ang mga sundalong Amerikano dahil todo tanggi ang mga ito nay nangyari ang naturang insidente at ngayon ay itinatanggi nila na may sundalong Amerikano na nagngangalang Ronburg ang nakadestino ngayon sa Sulu. Tama sila, wala nga si Ronburg sa Sulu at ako naman ang Hari ng Inglatera!!

Ang insidenteng ito ay patunay lamang na ang pagkakaroon ng mga dayuhang sundalo sa Mindanao ay hindi nakakatulong sa ating mga Pilipino. Bagkos, nakakalikha pa ito ng mga problema at krisis. Sa halip na magtuloy-tuloy ang usapang pangkapayapaan ay pinapalala lamang ng mga dayuhang sundalo ang sitwasyon.

Hindi lamang dapat magsampa ng pormal na protestang diplomatiko ang pamahalaan tungkol dito, dapat ay palayasin na sa Pilipinas ang mga sundalong dayuhan. Mukha wala naman kasing natututunan ang AFP dahil sa tagal nang panahon nang nagsasanay sila kasama ang mga sundalong Amerikano ay hindi pa rin nila matalo ang walang 800 Abu Sayyaf. Nakakahiya dahil nasasayang lang ang pera ng taumbayan at mas nakakalungkot, maraming inosenteng sibilyan ang nadadamay.

The article has

no responses yet

Written by jhay

January 1st, 2008 at 9:27 am

Si Erap tatakbo uli sa 2010?! Panginoon patawarin nyo sila…  

Hindi ko sukat akalain na isang napakasamang balita ang sasambulat sa aking paningin, ilang oras pa bago dumating ang bagong taon.

Ayon sa balita ng Inquirer.net, posibleng tumakbo uli si dating Pangulo, magnanakaw-na-pinawalang-sala-ng-isa-pang-magnanakaw Erap Estrada sa pagka-Pangulo sa darating na halalan ng 2010. Ito raw ay sa dahilang “sobrang dami” ng mga potensyal na kandidato sa pagka-Pangulo ang nasa panig ngayon ng oposisyon.

Ito na marahil ang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay sa kanilang mga plano ang oposisyon, dahil hindi sila nag-iisip ng matuwid at tama, marahil (na huwag sana) ay mga engot sila dahil kung “sobrang dami” ng potensyal na kandidato sa pagka-Pangulo mula sa kanilang mga hanay ay bakit mauuwi ang lahat sa isang dating Pangulo na pinalayas ng taumbayan dahilan sa kanyang pagnanakaw sa kaban ng bayan? Marahil ay lahat sila ay magnanakaw din, pero ibang kwento na iyon.

Ibig sabihin ba ay mas malupet, mahusay at mas may kakayanan si Estrada kaysa sina Francis Escudero, Loren Legarda, Manuel Villar, Panfilo Lacson, at Makati Mayor Jejomar Binay?

O dahil habol lang nila ang lakas sa paghatak ng boto ni Estrada kaya gumagawa sila ng paraan para muli siyang makatakbo?

Kung hatak lang naman ng boto ang pag-uusapan, swak na swak na sina Loren Legarda at Francis Escudero dahil silang dalawa ang nanguna sa nakaraang halalan ng mga Senador. Kahit na ang ubod ng yaman at elitistang si Manuel Villar marahil ay hindi makakahakot ng ganoong kadaming boto. Dagdag dito ang husay at kakayanan nina Legarda at Escudero, sapat nang dahilan upang isa sa kanila ang patakbuhin bilang Pangulo sa 2010.

Dapat sanang maunawaan at pakinggan ng mga nasa oposisyon na kaya nanalo sina Legarda at Escudero ay sa may paniniwala ang mga tao sa kanilang husay at kakayanan. Hindi dahil sa sila ay kasama ni Erap sa Oposisyon. Nais ba nilang ulitin ang EDSA Dos?

Dapat ding maunawaan ng Oposisyon na ang hangad ng taumabayan ay pagbabago. Ito ay makakamit lamang kung ang mga papatakbuhin sa darating na halalan ay mga bagong mukha, personalidad, paniniwala, at kakayanan.

Si Erap ay isa nang “relic” ng nakaraan. Jurassic ika nga. Kumbaga sa hayskul, matagal nang alumni si Erap. Panahon na para siya ay manahimik at mamahinga na lamang. Isama niya sa kanyang pagretiro ang mga lumang trapo at pulitiko mapa-Administrasyon o Oposisyon man.

Tandaan nyo ang mga bagay na ito, ang pagbabago ay hindi tumitigil. Ang pagbabago ay dala ng mga kabataan at susunod na henerasyon. At kasama rito si Trillanes. At kapag luma, panis at pangat(long init) na putahe na naman ang ihahain ng Oposisyon sa darating halalalan sa 2010, humanda sila kapag nabagot, nasuka at na-umay ang taumbayan.

The article has

no responses yet

Written by jhay

December 31st, 2007 at 10:27 am

Wala na akong pakialam kay Sen Migz  

Tulad ng sabi ko sa isang komento sa sinulat ni Arbet tungkol sa kakatwang sitwasyon sa pagitan ng mga dakilang magbubukid mula sa Sumilao at sa huwad at mandarayang Senador na si Migz, wala na akong pakialam sa kanya. Makita ko lang siya ay nasusuklam ako. (okay, kalma na, hehehe)

The article has

3 responses

Written by jhay

December 6th, 2007 at 8:49 am