Archive for the ‘adbokasiya’ Category
Muli, hustisya para kay Cris Mendez
Kahapon ginirantiya ng Korte Suprema ang hustisya para sa sumakabilang-buhay na estudyante ng UP Diliman na si Nino Calinao na binaril noong Pebrero 19, 1999 matapos sang-ayunan ng mataas na korte ang hatol sa pumaslang na si Resurreccion Ranin Jr.
Kahit na ibinaba ang sintensya ni Ranin na habang-buhay na pagkakabilanggo mula sa unang parusa na kamatayan, ang desisyong ito ng Korte Suprema ay paalaala na posibleng makamit ang hustisya para sa mga estudyanteng biktima ng karahasan, pang-aabuso at pamamaslang kahit sa loob mismo ng mga paaralan at pamantasan.
Ranin, who was seen walking around the UP campus with several companions before the incident, was found to have shot Calinao twice. As the student was crawling on the ground holding his abdomen, he was shot a third time. As he lay on the ground, he was shot a fourth time.
Lady guard Lina De Castro, who had stood as witness in the case, had to plead with Ranin and tug on his shirt to tell him to stop.
“Dodong, Dodong, tama na yan, patay na yang bata [Stop it, the child is dead],” the guard was quoted as saying.
After the Court of Appeals upheld the RTC’s findings, Ranin elevated the issue to the high court.
In a June 25 decision penned by Justice Leonardo Quisumbing, the high court found sufficient evidence to convict Ranin for the state scholar’s murder.
Ngayon, lalo pang maiibsahan ang hapdi na nararamdaman ng pamilya, kaanak at mga kaibigan ni Nino Calinao dahilan sa desiyong ito.
Pero hindi pa dito nagtatapos ang paghahangad ng katarungan para sa mga estudyanteng bikitma ng karahasan, nananatiling bukas ang kaso sa pagkamatay ng isa pang estudyante ng UP Diliman na si Cris Mendez.
Tulad ng pahayag ng kanyang dating kapartido sa UP na inilabas kahapon, ang mga may malasakit para sa kapakanan ng mga estudyante, lalo’t higit ang mga kaanak, kaibigan at kasamahan ni Cris Mendez ay patuloy na naghahangad ng katarungan.
Ang Taumbayan hindi ang Simbahan
Nakapukaw ng aking interes ang blog post ni Ederic ngayon, “EDSA 2: isang “pagkakamali” ng simbahan?”
Ito ay bunga ng reaksyon niya sa dokumentong isinulat ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila. Ang “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises”
Ayon sa pagkakahimay ni Ederic, tila ipinapalabas ni Fr. Marinay na ang EDSA 2 ay isang “pagkakamali” ng simbahan sa dahilang hindi dapat ito nangingialam sa buhay pulitika ng bansa. Nakabase ito sa doktrinang hiwalay ang estado at ang simbahan.
Sang ayon ako kay Ederic nang sabihin niyang:
Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian — sa mga kademonyohan ng ating mga lider — ay magiging isyu ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado. Sa tingin ko, kung sinasamahan o pinamumunuan lamang ng Simbahan ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng karapatan nilang humingi ng isang mabuti at makatarungang pamamahala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Saligang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didiktahan ng Simbahan ang pangulo na ipatupad sa gobyerno ang mga utos ng Simbahan.
Tama rin naman si Fr. Marinay na hindi dapat magdikta ang simbahan sa kung paano papatakbuhin ang ating gobyerno dahil hindi naman ito ang bokasyon nito, pero tungkulin ng simbahan na ipaalala at umalalay sa mga tao tuwing kumikilos sila para itaguyod ang anumang matuwid, demokratiko at makatwiran.
Sa ganitong punto, hindi na ang simbahan ang nagsasabi sa kung ano ang gagawin sapagkat nagawa na nila ang kanilang tungkulin, iyon ay ang ipaalala sa mga tao na mayroon silang dapat gawin. Ang mga susunod na hakbang ay dapat ipaubaya na sa taumbayan dahil sa kanila nagmumula ang kapangyarihan ng estado at gobyerno, ika nga sa Latin, “vox populi, vox dei” at ito ang esenya ng demokrasya.
Kung hindi man sang-ayon ang pamunuan ng simbahan sa mga gagawin ng taumbayan, ay huwag sanang mag-inarte o mabahala ito, dahil ang mga tao ang simbahan na siya namang bumubuo sa katawan ng Maykapal.
Tungkol naman sa EDSA 2 o anumang direktang pagkilos ng taumbayan, hihiramin ko muli ang sinulat ni Fr Marinay;
The current direction of the CBCP to strengthen political institutions to solve and prevent political crises is a kind of a corrective measure of EDSA II which weakened political institution in the sense that it did not wait for the verdict of the Senator-Judges in the impeachment case against Pres. Estrada. It did not respect the rule of law. It did not give the duly instituted political institution a chance to assert itself and prove its strength to handle such a political turmoil. For this reason, the CBCP did not mention EDSA II, for it did not help strengthen our political institutions. The parliament of the streets, also known as mob rule instrumental in the ouster of Erap Estrada was a shortcut to achieve political change. It was counterproductive, for it weakened our political structures.
Muli sang-ayon ako kay Ederic na hindi dahil nagkamali si Gloria Macapagal-Arroyo ay kamalian na rin ang EDSA 2. Hindi ang EDSA 2 ang nagpahina sa mga institusyong pampulitikal kung hindi ang mga kurakot at traydor na opisyales na nagpapatakbo sa mga ito, at nangunguna si GMA.
Nakakalungkot na umabot sa ganitong punto na ang CBCP mismo ang tatalikod sa diwa ng EDSA. Tiyak akong naghuhumilagpos ang yumaong Cardinal Sin saan man siya naroon ngayon sa ginagawa ng mga kasama niyang Obispo’t taong simbahan.
Ang hindi masyadong napag-uusapan noon at hindi rin binigyang pansin ni Fr Marinay ngayon ay kung paanong napahina din ng Administrasyong Arroyo ang CBCP bilang institusyong matatkbuhan ng taumbayan sa panahon na wala silang ibang matatakbuhan upang ipaglaban kung ano ang nararapat at wasto. Paano? Sa pamamagitan ng mga envelopes na kumalat sa mga kasapi ng CBCP.
Sa ganitong punto, hindi na lamang ang mga “political institutions” ang mahina ngayon, ang lipunang Pilipino, kasama ang Simabahang Katoliko sa ngayon, ay bulok na at malapit nang mapalitan.
Car shows are conventions for Air polluters
Aaminin ko na mahilig ako sa mga sports cars, pangarap ko ang makabili ng isang Ferrari F430, pero dahil ubod ng mahal ang kotseng ito at madaming lubak at humps sa kalsada ng Pilipinas, hanggang pangarap na lang siguro ito.
Pero nananatiling buhay ang pagkahilig ko sa mga magagarang sasakyan, bumibili ako ng mga magazines noon, madami din ang akong laro sa PC na tungkol sa mga kotse at karera tulad ng Formula 1, Need for Speed at GTA. Bumili pa nga ako ng isang MOMO Racing Wheel na gawa ng Logitech para kahit man lang sa mga computer games ay nararanasan ko ang pakiramdam ng magmaneho at makiapg unahan kasama ang mga kampyon na sina Michael Schumacher at Mikka Hakkinen.
Hindi lang sa pangarap bagkos ganoon din sa mga realidad ko, sa uri ng aking mga gawain sa loob at labas ng DLSUD, kung saan-saan ako nakakarating. Tuwing maiimbitahan ako na maging ispiker o tagapagsanay sa mga palihan o training workshops, mga conventions, mga seminars at simpleng paglilibang, madaming nagsasabi na kailangan ko ng sariling sasakyan para maging maalwan para sa aking sarili.
Pero hindi, mas gusto ko, mas sanay ako na magbyahe sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan. Mas tipid ngayon kaysa sa pagmamaneho ng sariling sasakyan dahil sa ubod ng mahal ng gasolina at krudo. Mas magaan sa pakiramdam dahil pwede akong matulog, magtext at makinig ng tugtugin habang nasa byahe nang walang pag-aalinlangan dahil hindi naman ako ang nagmamaneho.
Pero ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit kuntento ako sa pagiging byahero at hindi nagmamaneho ay dahil sa isa sa aking mga adbokasiya ang pangangalaga sa kalikasan. Sa panahon natin ngayon na lumala ang sitwasyon dahilan sa global warming, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya, sa personal na kapasidad, upang makabawas sa poluyson.
Aminin natin na tayong mga tao lamang ang nakakalikha ng polusyon kaya sa atin lamang pwedeng isisi ang pagkasira ng kalikasan. Nakakita ka na ba ng mga hayop na gumawa ng pabrika para makakuha ng pagkain nila?
Mabalik ako, ano ang koneksyon ng pangangalaga ko sa kalikasan at pagiging kontento sa pagiging byahero imbis na bumili ng sariling sasakyan? Narito ang sagot:
The important sources of atmospheric pollution on a global or regional scale are:
1. Automobiles. According to the U.S. Environmental Protection Agency (EPA), driving a car is the single most polluting thing that most of us do. Motor vehicles emit millions of tons of pollutants into the air each year. In many urban areas, motor vehicles are the single largest contributor to ground-level ozone, a major component of smog.
The primary pollutants produced by automobiles are:
1. Hydrocarbons. They come from the evaporation of fuel, especially on hot days, leaking fluids, and during refueling at gas stations.
2. Nitrogen oxides. Produced by high heat during the burning of fuel.
3. Carbon monoxide. Produced by the incomplete burning of fuel.Modern automobiles pollute much less than older models thanks to emission controls including catalytic converters. But the number of cars is so large, and they are driven so much, they are still major sources of pollution. (source)
Kitams? Malaking kasalanan para kay Inang Kalikasan ang paggamit ng sariling sasakyan ngayon. Pero dahil hindi maiwasan, minumungkahi ko na mag carpool o magsama-sama sa isang sasakyan kung meron ang isa sa mga kasama nyo. May polusyon pa rin dahil sa sasakyan pero nabawasan dahil isang sasakyan lang ang dala niyo, sa halip na tag-iisa kayong lahat na magkakabarkada o grupo.
Sa bayan nga ng Silang kung saan ako lumaki, umuso ang mga scooter o motor na pambinata. Gumagastos sila ng malaki para maging “maporma” ang kanilang motor. May mga ilaw, malakas na soundsystem, magara ang pintura, pero ang resulta ay ingay at polusyon. Sagabal pa nga sa mga prusisyon at parada dahil nakakainis na usok at ingay lamang ang kanilang nalilikha. Ubod pa ng yabang ang karamihan sa mga ito, nagkaroon lamang ng motor ay akala mo kung sinong may mahalagang ginagawa sa lipunan, tambay lang naman pala ang iba. (Pasintabi po)
Ganoon din sa mga kotse o sasakyan na apat ang gulong. Totoong maporma at magarang tingnan, pero sa bandang huli, ano ang epekto nito sa ating kapaligiran? Sa ating mga kapwa tao at ibang nilalang?
Kaya kung mapapansin nyo, noong eleksyon sa DLSUD, hindi kami kumukuha ng mga sasakyan at nagmomotorcade. Bukod sa wala kaming pondo para sa gasolina, Ingay at polusyon lamang naman ang nililikha nito, dagdag dito, nagiging mayabang kami sa mata ng mga nakararaming estudyante na ang iniisip ay nang-iinggit lamang kami sa tuwing may sasakyan kami. Tapos hiram lang pala ang mga sasakyan, kaya sino ang niloko namin? (Muli, pasintabi)
Ngayon, kung ang isang sasakyan at pagmamaneho nito ay isa sa mga pinaka-malakas sa polusyon, ano pa kaya kung magsama-sama ang mga ito sa isang car show o convention?
Sa tingin ng mga may malasakit sa kalikasan ito ay convention ng mga air polluters
Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema
Kabado kaming dalawa ng aking kasama dahil alas-otso na ng umaga ay nasa Bacoor, Kabite pa rin kami. Akala ko nga, kaya matindi ang trapik ay mayroong mga checkpoints muli sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way. Hinahanap muli kaming mga taga De La Salle Dasmarinas upang harangin at pigilang makapunta sa Adamson University kung saan magtatagpo-tagpo ang mga grupo, estudyante, relihiyoso at iba pa na sasama sa mga Senador na magsasampa ng kanilang apila sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romulo Neri patungkol sa “executive privilege.”
Pero bakit ba kailangan kami o kahit sino pa mang papunta sa pagtitipong iyon ay harangin. Hindi naman iyon rali, maglalakad lang naman mula Adamson University hanggang Korte Suprema, magsusumite ng apila sina Sen. Alan Peter Cayetano at Nonoy Aguino at ayun, tapos na. Uuwi na kami.
At ganoon nga ang nangyari. Malapit nang mag alas-10 ng umaga nang makarating kaming dalawa sa Adamson University. Akala nga namin ay nakaalis na sila papuntang Padre Faura kung saan naroon ang Korte Suprema. Nakalagay kasi sa imbitasyon na natanggap ko mula sa Lasallian Justice and Peace Commission ay ala-8 ng umaga ang pagtitipon at maagang pupunta ng Korte Suprema.
Mabait talaga ang Diyos sa mga naninindigan para sa katotohanan dahil sakto lamang ang aming dating. Nagkatipon-tipon na ang mga taga suporta at mga nagmamalasakit na grupo at handa nang maglakad papuntang Korte Suprema.
Hindi naman sobra ng dami ang mga taong naroon. Sa aking pagtaya, humigit kumulang 300-500 katao ang nagtipon-tipon roon kaninang umaga.
Kaya madali naming nakita ang mga kasamahan naming Lasalyano mula sa De La Salle Manila, La Salle Provincialate at College of St Benilde, na kumpleto pa sa mga dalang parapelnalya at mga tarpaulin na naglalaman ng mga tema, saloobin at mensahe para sa okasyong ito.
Bukod sa mga pamilyar nang mukha mula sa De La Salle, naroona ng mga bigating tao sa hanay ng paghahanap para sa katotohanan sa likod ng NBN scandal. Naroon ang batikang aktor na si Pen Medina, ang tagapagsalita ng UNO na si Adel Tamano, Sen. Alan Peter Cayetano, Sen Benigno “Noynoy” Aquino III at shempre si Jun Lozada.
Nakasama rin namin sina Congresswoman Riza Hontiveros Baraquel, Fr. Joe Dizon at Bro Armin Luistro, FSC.
Bandang 10:30 ng umaga ay nagsimula na kaming humanay, dalhin ang mga parapelnalya at maglakad papuntang Korte Suprema.
Habang nasa daan at nasisikatan ng init ng araw, masigla, masaya at puno ng pag-asa ang bawat isa habang naglalakad. Dahil sa paligid namin, sa mga bangketa ng Manila, madaming mga tao ang kahit naabala ng mabigat na trapiko ay hindi nagsalita ng masama laban sa amin. Ang iba pa nga ay nakikisabay din sa aming mga hiyaw at pananawagan. Totoong buong bansa ay gusto nang malaman ang katotohanan. Ang tanging paraan sa ngayon ay magsalita si Neri sa mga imbestigasyon ng Senado.
Marahil kaya hindi masyadong nagalit o naiinis ang mga taong nasa paligid ay dahil sa tama, wasto, ligal at mapayapa ang aming pagkilos. Ito ay tama at wasto dahil ang paninindigan sa katotohanan ay sadyang dakilang bagay. Ito ay ligal at mapayapa dahil hindi kami nagtipon doon para mag-rali, nagtipon-tipon kami doon para sama-samang ipakita ang aming suporta sa mga tama, ligal at demokratikong proseso para maresolba ang mga isyung katulad nito.
Pero may isang malaking babala. Tulad ng ilang panawagan ng mga aming mga kasamahan mula sa UMDJ, kung dadayain ang prosesong ito, humanda talaga sila sa pwersa ng taumbayan. Sa bandang huli, maagang natapos ang pagtitipon dahil maayos namang na-isumite nina Sen Cayetano at Sen Aquino III ang apila ng Senado sa Neri vs Senate Committees.
At para sa pagwawakas, narito ang isang video ng mga pangyayari matapos ngang ma-isumite sa Korte Suprema ang apila ng Senado:
Ayon sa huling balita, April 15 pag-didiskusyunan ng Korte Suprema ang apilang ito ng Senado. Hanggang sa araw na iyon mula ngayon, ang mata ng taumbayan ay muli ngayong nakatitig sa Korte Suprema. Nawa’y pagpalain sila ng Maylikha.
Talumpati ng Ina ni Cris Mendez+
Maikling Talumpati ng ina ni Cris Mendez sa National Conference to Stop Hazing na itinaguyod ng Solidarity for Anti-Hazing Via Education (SAVE) at UP Student-Led Anti-Hazing WAtch (UP SAWA)
Magandang umaga po sa inyong lahat.
Ilang linggo lang po ang nakakaraan ay nagtagumpay kaming buksan ang mga e-mails na natanggap ng aking anak na si Cris Mendez bago siya pumanaw noong August 27, 2007.
Isa po sa mga huling e-mails na natanggap niya ay may petsang August 22, 2007 na ang title ay “Sigma Rho Tenets.” Galing po ito sa isang nagngangalang “JJ Ocana” na sinabi niya sa anak ko na memoryahin daw ng anak ko ang mga tenets ng Sigma Rho at idinugtong niya na “see you on saturday. we are looking forward to having you as a brod.”
Doon po sa ipinadala ni Jj Ocana na Sigma Rho Tenets ay kasama yung mga sinasabi niyang “Codes of Action of a Sigma Rhoan.” Ang pinaka-number one po sa mga Codes of Action na ito ay ganito ang sinasabi: “To stand by the side of any brother Sigma Rhoan right or wrong.”
Kahit nakagawa ng mali, kakampihan pa rin nila ang brod nila. Kahit gumawa ng krimen, o pumatay ng tao, pagtatakpan pa rin nila ang brod nila. Walang kwenta sa kanila ang Diyos. Ang batas ay bale-wala rin. Kahit bulong ng konsensya nila ay di pinapansin.
Mag-aapat na buwan na po mula ng saktan at kitilin nila ang buhay ng kaawa-awa kong anak. Ang napakabait kong anak. Kami po ay isang mahirap na pamilya lamang at ako po ay umabot lamang sa high school. Wala po akong gaanong alam sa mga fraternities at ang kanilang mga ritwal. Ang alam ko lamang po ay ang itinuro sa akin ng aking mga magulang na itinuro ko rin kay Cris at sa bunso niyang kapatid na si Renz. Ito ay ang magkaroon ng takot sa Diyos. Ang paggawa ng tama. Ang pagmamahal sa kapwa. Ang pagharap sa responsibilidad at paggalang sa batas. At ang paghingi ng tawad sa kapwa pag nakagawa ng mali.
Kung ito lamang po sana ang tenets ng mga fraternities hindi po siguro nangyari ang nangyari sa aking anak.
Salamat po.
Note: JJ Ocana is a sophomore law student, and was a USC councilor maybe 2 terms ago.
Tahasang kinopya mula AWBHoldings
Paggunita sa ika-35 taon anibersaryo ng Martial Law
35 taon na ang nakalipas mula nang idineklara ng diktadurang Marcos ang Batas Militar o Martial Law sa Pilipinas upang sugpuin ang mga pwersang nais magpabagsak sa pasistang si Ferdinand Marcos at wakasan ang pagpapahirap sa mamamayang Pilipino.
Dahil sa Batas Militar, daan-daan ang nabilanggo, tinortyur, pinaslang, at nalapastangan ang mga karapatang sibil at pangtao. 35 taon na ang nakalipas ngunit tila walang pinagkaiba ang panahong kasalukuyan. Halos 900 kaso na ng paglabag sa karapatang pantao, mga pinaslang na mamamahayag, mga aktibista, mga estudyante at lider-manggagawa ang hanggang sa ngayon ay nawawala.
Patuloy pa rin ang giyera sa Mindanao kung saan libu-libong mga Muslim ang naghihirap. Hanggang sa ngayon, ang mga biktima ng pang-aabuso ng pasistang rehimeng Marcos ay patuloy na naghahanap ng hustisya. Mas nakakalungkot pa nito’y ang mga tulad nilang biktima ng garapalang pang-aabuso sa karapatang pantao ay nadadagdagan pa.
May mga nagsasabi na hindi naman bumalik ang panahon ng Martial Law, tama sila, sapagkat wala namang deklarasyon mula sa pekeng pangulo na nagsasabi nga ng ganito. Ngunit, sa istilo ng paggamit sa kinamkam na kapangyarihan, sa mga polisiya at batas na ipinasa ng administrasyong Arroyo, hindi na nga kailangan ng deklarasyon ng Batas Militar, dahil sa kabuuang epekto ng mga ito, wala nang pinagkaiba ang kalagayan ng bansa 35 limang taon na ang nakalipas.
Nariyan ang EO 464, PD 1017, “No Permit, No rally”, ang mga political harrasment sa mga progresibo at maka-kaliwang mambabatas, at ngayon ang huling elemento sa pagsisistematisa ng ‘Martial Rule’ ang Human Security Act of 2007 o ang Anti-Terrorism Law. Kung buhay si Marcos ngayon, sa aking palagay ay mamamangha siya sa nagawa ni GMA. “Small but terrorist, terrible” ika nga.
Kaya nga kahit 35 limang taon na ang nakalipas, hindi lamang ang mga mapangabusong gawain ni Marcos ang nabibigyan ng buhay at nanunumbalik sa ating mga alaala. Kung hindi, ang mga pagkilos na ginawa ng mga manggagawa, maralita, kabataan, layko at relihiyoso at lahat ng lumaban sa diktadura at pasistang rehimen ni Marcos.
Partikular dito ang isang mensahe at talumpati ng isa sa mga tanyag na lider-manggagawa na buong tapang, lakas, at talinong lumaban sa diktador, at sa huli’y buhay niya ang naging kapalit. Ang tinutukoy ko ay ang mensahe ni Felixberto Olalia, Sr. sa huling araw ng kanyang huling araw ng pag-aayuno sa Plaza Roma noong ika-4 ng Disyembre, 1983. Mula ito sa librong “20 Speeches that Moved a Nation” - mga koleksyon ng mga talumpating naglalarawan ng makulay na kasaysayan ng Pilipinas at ang mayamang tradisyon ng mga Pilipino sa pakikipagtalumpati - ni Manuel Quezon III, o MLQ3.
Sa kanyang talumpati o mensahe na pinamatagang “Mensahe sa Limang-araw na Pag-aayuno Para sa Pagpapalaya ng Lahat ng Detenidong Lider-manggagawa at iba pang Bilanggong Politikal” ginunita niya ang tula ng isang rebolusyunaryo, ni Mano de Verdades Posadas upang isalarawan ang kalagayan ng Pilipinas noong panahon ng Batas Militar, isang malaki at malawak na bartolina:
Gapos sa kamay, piring sa mata;
Suntok, bayo, tadyak, sampal,
Iniksyon, kuryente, hipo, sakal,
Plantsa, panggugutom,
panggagahasa.
Buhos ng tubig o paso ng sigarilyo;
At pagkatapos ay ilantaong
pagkakulong
Nang walang paglilitis o
wala man lang kaso.
Ganito ang pinaiiral na kalagayan
Sa bartolina ng piitang kapuluan.
Sa bandang huli ng kanyang mensahe, kung saan hinimok niya ang mga mamamayan na kumilos at lumaban muli niyang ginunita ang isa pang tula, muli ni Mano de Verdades Posadas:
Ang pagkakapiit
Sa halos pusikit
Na karimlan
Ay di dhilan
Upang tayo’y
Sa kababaan ng kisame
Huwag na tayong dumapa
Sa malamig na sahig;
Sa kaliitan ng silid,
Huwag na tayong sumiksik
Sa suok at humalukipkip.
Ang pagkakulong
Sa panahong
Wari’y di matatapos
Ay di dapat makaupos
Sa ating pagkilos
Tungo sa paghulagpos
Upang lalong makakilos.
Makulay, makubuluhan at hanggang sa ngayon ay nananatiling tumpak sa ating kasalukuyang kalagayan ang mga tulang ito, kahit na 35 taon na ang nakalipas. Hanggang kailan pa kaya ito magtatagal? Hanggang kailan pa natin ito hahayaan? Kapag tayo o ang ating mga mahal sa buhay ay bigla na lang rin maglalaho?
Para wakasan ang munting pagbabahagi na ito, isang dalangin ang aking iaalay, para sa mga naging biktima ng karahasan at pangaabuso sa mga karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar at ngayong sa panahong kasalukuyan:
Round 2 para sa mga anti-JPEPA! Huray!
Nakakatuwa talaga ang Senado ngayon, bukod sa mga pagdinig at imbestigasyon niyo sa NBN deal ay sabay din nitong pinag-aaralan ang JPEPA ang kontrobersyal na tratado o kasunduang na siyang lalong lulugmok sa ating mga Pilipino at gagawin tayong basurahan ng bansang Hapon.
Sa ganitong banda, nalulunkot ako dahil ang bansang pinagmulan ng Gundam Wing at Naruto, mga paborito kong anime, ay siya pang kumikilos upong pahirapan lalo ang Pilipinas. Hindi ba sapat na kaming mga bagets (naks) na Pinoy ay mahilig na sa mga anime? Ngayon ay gagawin pa tayong basurahan at aagawan ng mga nurses at duktor?
Mabalik tayo sa Senado kung saan muli ay nakapuntos ang mga pwersang tumututol sa JPEPA, aniya nga sa ulat mula Inquirer.net:
Senator Miriam Defensor-Santiago, chairman of the committee on foreign relations, has threatened to sit on the JPEPA and not sponsor it on the floor, which would effectively make for a diplomatic rejection of the treaty.
During the hearing, Santiago told government negotiators, headed by Trade Undersecretaries Thomas Aquino and Elmer Hernandez: “If I find it impossible to defend it on the Senate on the basis of your statement, then as chair, I will be compelled to defer submission of my committee reports. In other words, JPEPA will be dead.”
This after Senator Manuel Roxas II failed to get answers to the following questions:
- What is government doing to help people take advantage of the JPEPA? “I want to know were, what, and what sectors…will be able to take this stepladder…to the window opened by the JPEPA?”
- What are the benefits of the JPEPA? “[What the government presented] are pie in the sky numbers based on leads, inquiries, and letters. I want the records of the BOI [Board of Investments] and DTI [Department of Trade and Industry] of what actually came in. A lot of the decisions depend on the validity of your claims of benefits,” Roxas said.
- How much did the Philippines give up to get these benefits?
“In the last hearing, I was left disappointed because it has been made clear why it is good for us…We are finished with the period of generalities. We want to move…to specifics,” Roxas said.
Mahusay hindi ba? Bravo kina Mar Roxas at Miriam Santiago. Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbabasura ng JPEPA, kung hindi man ay muling makipag negosasyon sa bansang Hapon upang linisin at gawing mas makatarungan ang kasunduang ito.
Para naman sa mga ahente ng pekeng pangulo, tama na. Wala namang may gusto sa JPEPA, kayo lang ang mapilit, bakit? Malaki ba ang pampadulas o grasyang kayo lang ang makikinabang?









The article has
no responses yet