Sumilang

Mga kuru-kuro, opinyon, at kwentong buhay

Bagong oras ng pagtulog?  

Ngayong sembreak at walang pasok ay maghapon ako sa bahay. Walang ibang gagawin kung hindi ang umupo sa harap ng kompyuter at magbasa nang magbasa ng mga blogs, maghanap ng mga mp3, magbasa ng mga balita at mang-away ng mga tao sa forums. (Biro lang, ;) )

Shempre hindi talaga maghapon akong nakababad sa harap ng kompyuter. Papatayin ako ng nanay ko kapag ganoon. Nagpapahinga rin kaming dalawa ng kompyuter ko. Lalo na kapag hapon at mainit na sa kwarto ko dahil nakatutok na ang sikat ng araw. Para bang pugon ang aking kwarto sa init.

Hindi ko kayang tiiisin ang init at wala naman akong airconditioner. Higit sa lahat ay ayaw kong masobrahan sa init ang kompyuter ko kaya pinapatay ko ito at lumalabas ako ng kwarto para malamigan. Nanonood ako ng telebisyon sa ibaba o kaya sa kwarto ng mga magulang ko kung saan malamig. Iyun ay kung bakante ang mga lugar na iyon.

Kung hindi, ay nagbabasa ako ng libro. Sa aking pagbabasa, hindi ko talaga maiwasang antukin, hindi dahil sa nakakaantok ang binabasa ko, marahil dahil sa itinanim ko sa aking isipan na ngayong sembreak ay babawi ako sa tulog. Yung oras na sana ay nasa pamantasan ako ay ilalaan ko sa dalawang gawain ngayong nasa bahay lang ako. Ang maginternet mula umaga hanggang tanghali at sa hapon naman ay matulog. Para makapagpahinga at kahit pano ay tumaba naman daw ako. Ganoon din ang gagawin ko sa gabi. Hindi na ako masyading magpupuyat ngayong sembreak. Mga alas-onse o 11pm ay matutulog na ako.

Sana lang ay matupad ko ang mga munting planong ito na humihingi sa akin ng kakaibang antas ng pagkontrol o disiplina sa sarili. Kakayanin ko kaya?

The article has

no responses yet

Written by jhay

October 18th, 2006 at 10:21 pm

Posted in Personal, buhay tambay

Leave a Reply