Sumilang

Mga kuru-kuro, opinyon, at kwentong buhay

Ang mga Maranao - Isang pagninilay  

*Isinumite bilang isang reaksyong papel tungkol sa isang dokyumentaryo tungkol sa mga Maranao, bilang bahagi ng akademikong pangangailangan sa Kasaysayan at Kultura ng Pilipinas. Pamantasang De La Salle Dasmariñas, Agosto 2006.

maranaoTunay na nakakamangha ang yaman at kulay ng kulturang Pilipino. Isa na sa mga matitingkad na kulturang ito ang kultura ng mga kapatid nating Maranao na naninirahan sa Mindanao at mga karatig pulo. Bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop ay maunlad at yumayabong na ang kanilang kultura, relihiyon, at lipunan. Ang kanilang pagkikipagkalakalan sa mga kapatid nating Asyano ang isa sa mga pangunahing tumutulong sa pag-unlad at pagyaman ng kanilang lipunan at kultura. May sarili silang sistemang panlipunan, mga paniniwala at tradisyon, reilihiyon, at iba pa na matagal na nilang pinapaunlad bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop.

Sa katunayan, ang mga Pilipino sa Mindanao ang may pinakamataas na antas ng kaunlaran. Ang kanilang lipunan ay nasasaayos na sa isang porma ng pyudalismong Asyano na pinamumunuan ng mga datu at maharlika. Taliwas ito sa mga maling paniniwala na ang mga dayuhang mananakop ang nagdala ng sibilisasyon at nag-ahon sa ating mga ninuno mula sa pagiging primitibo. Ito ay mali, dahil tulad ng nabanggit kanina, matagal nang maunlad ang mga lipunang Pilipino at nangunguna sa mga ito ang mga Muslim sa Mindanao, kabilang na ang mga Maranao.

Ang kanilang makukulay na tradisyon, paniniwala, ritwal at umuusbon na industriya’t tekonolohiya at patuloy na uunlad kung hindi lang sana nanghimasok ang mga dayuhan. Ngunit naging matibay at tapat sila sa kanilang kinagisnan sapagkat tumutol sila sa ganap na pananakop ng mga dayuhan. Nag-alay ng dugo at buhay upang mapanatiling buo at orihinal ang kanilang kultura’t lipunan na hanggang sa ngayon at patuloy na umuusad kasabay ng panahon.

Imahe mula sa Ethno-liguistic Groupings in Mindanao

The article has

11 responses

Written by jhay

October 20th, 2006 at 11:01 am

Posted in Opinyon, kasaysayan, kultura

11 Responses to 'Ang mga Maranao - Isang pagninilay'

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to 'Ang mga Maranao - Isang pagninilay'.

  1. Hey did you know that I am a Maranao? And I am proud of it. :) And it pains me when I read some defaming articles about Maranaos. I’ve been through a lot of forums, sadly most are Filipino forums, discriminating Maranaos, saying that all Maranaos (or Muslims in general) are extremists, terrorists and so on. The sad thing with people is they generalize.

    Jam

    12 Nov 06 at 7:36 pm

  2. hey….iam also apurely blooded of maranao and iam also proud of it

    NORHATA

    11 Mar 07 at 4:14 am

  3. =) It’s not everyday that I get to read something good about Maranaos…;) hehe… I am another proud soul…=) A Maranao trying to wipe the stain of misconceptions on the Maranaos=) Salaam!

    P

    28 Jun 07 at 7:03 pm

  4. ako ay naniniwala na mababait talaga ang mga muslim at marami akong kaibigang muslim

    mikee

    28 Jul 07 at 2:29 pm

  5. ang mga muslim ay mababait

    juraile

    14 Aug 07 at 6:40 pm

  6. i’ am interested in islam religion and i want to know more of it.

    christine

    28 Sep 07 at 4:25 pm

  7. IM A PURE BLOODED MARANAO,,,,,,,,,,and im sooooooooooo proud of it even though some of my friends told me i dont look like one cause ilook like arabian daw,,and i speak well in english and tagalog,,maranaos are peace loving people,,,so dont generalize all people,,be considerate not all people are terrorist!!!!!!!bka mas malala pa ung iba………..

    SALIHA

    2 Oct 07 at 11:50 pm

  8. I’m pure full blooded maranao…..gus2 q lang sabihin sa mga kapatid qng maranao muslim…tau ay ipinanganak na muslim…wag natin gayahin ang mga kapir…

    reNza

    29 Jan 08 at 10:15 pm

  9. iam also a pure blooded maranao so im also proud of it,,,

    aru

    4 Apr 08 at 10:18 pm

  10. iam so very proud to the maranao thrive b cuz they are so very talented,negotiable,friendly,sweet, relegious, and most of all is hard working,,, i love maranao so much and im so proud,,,,,

    aru

    4 Apr 08 at 10:22 pm

  11. im not a maranao but maranao sounds interesting, I want to know more about them and their culture… di aq naniniwala sa mga sinasabe nila na mga rebelyon daw ang mga kapatid nating muslim… ang mga muslim, nananahimik kaya wag nila guluhin dahil hindi sila ginugulo ng mga ito…

    claire

    22 Jun 08 at 6:52 pm

Leave a Reply