Archive for June, 2008
Muli, hustisya para kay Cris Mendez
Kahapon ginirantiya ng Korte Suprema ang hustisya para sa sumakabilang-buhay na estudyante ng UP Diliman na si Nino Calinao na binaril noong Pebrero 19, 1999 matapos sang-ayunan ng mataas na korte ang hatol sa pumaslang na si Resurreccion Ranin Jr.
Kahit na ibinaba ang sintensya ni Ranin na habang-buhay na pagkakabilanggo mula sa unang parusa na kamatayan, ang desisyong ito ng Korte Suprema ay paalaala na posibleng makamit ang hustisya para sa mga estudyanteng biktima ng karahasan, pang-aabuso at pamamaslang kahit sa loob mismo ng mga paaralan at pamantasan.
Ranin, who was seen walking around the UP campus with several companions before the incident, was found to have shot Calinao twice. As the student was crawling on the ground holding his abdomen, he was shot a third time. As he lay on the ground, he was shot a fourth time.
Lady guard Lina De Castro, who had stood as witness in the case, had to plead with Ranin and tug on his shirt to tell him to stop.
“Dodong, Dodong, tama na yan, patay na yang bata [Stop it, the child is dead],” the guard was quoted as saying.
After the Court of Appeals upheld the RTC’s findings, Ranin elevated the issue to the high court.
In a June 25 decision penned by Justice Leonardo Quisumbing, the high court found sufficient evidence to convict Ranin for the state scholar’s murder.
Ngayon, lalo pang maiibsahan ang hapdi na nararamdaman ng pamilya, kaanak at mga kaibigan ni Nino Calinao dahilan sa desiyong ito.
Pero hindi pa dito nagtatapos ang paghahangad ng katarungan para sa mga estudyanteng bikitma ng karahasan, nananatiling bukas ang kaso sa pagkamatay ng isa pang estudyante ng UP Diliman na si Cris Mendez.
Tulad ng pahayag ng kanyang dating kapartido sa UP na inilabas kahapon, ang mga may malasakit para sa kapakanan ng mga estudyante, lalo’t higit ang mga kaanak, kaibigan at kasamahan ni Cris Mendez ay patuloy na naghahangad ng katarungan.
Isulong ang Luntiang Rebolusyon
Matagal-tagal ko nang gustong magsulat tungkol sa kasalukuyang krisis sa bigas at pagkain na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Pero hihiramin ko na lang muna ang mga puntos sa editoryal ng Philippine Daily Inquirer ngayon; “Another Green Revolution” kung saan minumungkahi na sundin ang mga payo at rekomendasyon na inihain sa kakatapos lamang na Asian-European Editors Forum sa Bangkok, Thailand.
1. Increasing productivity in rain-fed rice, which could reduce poverty and increase global food supplies.
2. Providing adequate water control by setting up intensive, productive irrigated systems.
3. Developing the means for farmers to adopt and use existing technologies that are known to raise yields.
4. Developing rice varieties that can cope with climate change. Macintosh said that an increase in temperature of 1 degree Celsius causes a 10 percent drop in yield. He said problems that are bad now and will worsen with climate change are droughts, flooding and salinity.
5. Solving the problem of “too much water,” including recurrent flooding, because rice “drowns” in an excess of water.
6. Intensifying research for environmentally and socially adapted plants, including hybrid plant breeding and genetic engineering.
7. Making agriculture a political priority and increasing investments in rural infrastructure and market development.
Ipinaalala ng editoryal na noong Luntiang Rebolusyon o Green Revolution noong 1960s hanggang 1970s ang dahilan kung bakit nakamit ng Pilipinas ang pagiging “self-sustaining” o nakaka-asa sa sariling estado pagdating sa suplay ng bigas, ang pinakamahalagang panananim sa Timog-Silangang Asya.
Tulad ng sabi ng editoryal, kung nagawa natin noon, magagawa uli natin ngayon lalo na’t may mga modernong teknolohiya at kagamitan na pwedeng gamitin natin ngayon.
Ang mga dole-outs ng gobyernog Arroyo ngayon ay pansamantalang lunas lamang sa krisis ng bigas ngayon, at dahil lalong lulubha ang krisis na ito sa darating na mga panahon, lalo na sa panahon ngayon ng climate change, napakahalagang bigyan ng malaking pansin ang pagsasaayos at pagpapalago ng ating agrikultura.
Bukod sa mga magagandang puntos ng editoryal tungkol sa kung ano ang magandang gawin sa ating agrikultura, tulad ng mas mas malaking atensyon mula sa gobyerno, pamumuhunan o investments, at pagbabalik-loob sa ating kultura ng pagsasaka, kailangang tandaan na susi sa matagumpay na paglago at pagunlad ng ating agrikultura ang tunay na repormang agraryo. Huwag din magpadala sa pinapausong biofuels dahil kapag sumobra ang atensyon at pamumuhuhan para dito, baka wala nang lupang matamnan ng palay tayong mga Pilipino. Makakatipid nga tayo sa inaangkat na langis, mananatili tayong nakatali sa presyo ng bigas na ating inaangkat habang patuloy na magugutom ang ating mga kababayan.
Hindi masama ang industriyalisasyon, pero tandaan natin na sa buong kasaysayan ng tao, ang lahat ng mga mauunlad at industriyalisadong bansa ngayon ay dumaan muna sa mayabong at maunlad na estado ng agrikultura, dahil dito kumukuha ng inputs ang mga industriya, samantalang dito kumukuha ng kapital ang mga yumamang magsasaka na naging negosyante na siya namang nagpatakbo ng industriyalisasyon ng isang bansa.
Simpleng putukan?
Kakaiba talagang mag-isip ang AFP. Ang mga pagpapaputok nila ng mga mortar noong nakaraang araw ng Linggo sa Sulu sa lugar na malapit daw sa kung saan nagtatago ang mga kumidnap kay Ces Drilon at mga kasama nito ay walang kinalaman sa kidnapping at isang simpleng operasyon kontra sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah na umano’y nagkataong naroon din sa parehong lugar.
Dahil dito, naglabas ng ultimatum ang mga kidnappers ni Ces Drilon na mamayang tanghali ang palugit para ibigay sa kanila ang hinihinging ransom money. Ang galing talaga ng AFP! Tila ba dahil ibang mga tao daw ang kanilang target ay hindi na makakaapekto ang kanilang mga operasyon sa sitwasyon sa lugar na iyon. Sa palagay ba nila ay nasa ibang dimensyon ang mga kidnappers ni Ces Drilon at hindi sila maaapektuhan o tamaan ng mga pagpaputok nila ng mortar?
Ang nakakainis at nakakatawang reaksyon ng AFP:
Brig. Gen. Juancho Sabban, chief of the antiterrorist Task Force Comet, told reporters late Sunday afternoon there were no military operations against Drilon’s kidnappers and that the shelling and troop movement were part of a “drill in an actual situation.”
“We just like them to feel the military presence in the area,” Sabban said.
He also said the activities were just a “rehearsal.
Rehearsal?! Praktis lang?! Ano yun, baril-barilan? Kapag may sibilyang tinamaan, at meron ngang mga isinugod sa ospital samantalang daan-daang pamilya ang napalikas, ay sasabihin nilang, “time-out” muna?
Mula dito ay malinaw na hindi nakakatulong sa kapakanan ng taumbayan at mga sibilyan ang AFP, sadyang nakakalungkot ang ganitong sitwasyon. Dalangin kong matauhan ang mga pinuno ng AFP at bumalik sila sa tunay nilang tungkulin, ang paglingkuran at protektahan ang mamamayang Pilipino, hindi ang gawing “rehearsal area” ang kanilang mga tahanan.
Ang Taumbayan hindi ang Simbahan
Nakapukaw ng aking interes ang blog post ni Ederic ngayon, “EDSA 2: isang “pagkakamali” ng simbahan?”
Ito ay bunga ng reaksyon niya sa dokumentong isinulat ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila. Ang “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises”
Ayon sa pagkakahimay ni Ederic, tila ipinapalabas ni Fr. Marinay na ang EDSA 2 ay isang “pagkakamali” ng simbahan sa dahilang hindi dapat ito nangingialam sa buhay pulitika ng bansa. Nakabase ito sa doktrinang hiwalay ang estado at ang simbahan.
Sang ayon ako kay Ederic nang sabihin niyang:
Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian — sa mga kademonyohan ng ating mga lider — ay magiging isyu ng pagkakahiwalay ng Simbahan at Estado. Sa tingin ko, kung sinasamahan o pinamumunuan lamang ng Simbahan ang mga kasapi nito sa pagsasabuhay ng karapatan nilang humingi ng isang mabuti at makatarungang pamamahala, sakop ito ng Bill of Rights ng ating Saligang Batas. Ang masama ay kung tuwirang didiktahan ng Simbahan ang pangulo na ipatupad sa gobyerno ang mga utos ng Simbahan.
Tama rin naman si Fr. Marinay na hindi dapat magdikta ang simbahan sa kung paano papatakbuhin ang ating gobyerno dahil hindi naman ito ang bokasyon nito, pero tungkulin ng simbahan na ipaalala at umalalay sa mga tao tuwing kumikilos sila para itaguyod ang anumang matuwid, demokratiko at makatwiran.
Sa ganitong punto, hindi na ang simbahan ang nagsasabi sa kung ano ang gagawin sapagkat nagawa na nila ang kanilang tungkulin, iyon ay ang ipaalala sa mga tao na mayroon silang dapat gawin. Ang mga susunod na hakbang ay dapat ipaubaya na sa taumbayan dahil sa kanila nagmumula ang kapangyarihan ng estado at gobyerno, ika nga sa Latin, “vox populi, vox dei” at ito ang esenya ng demokrasya.
Kung hindi man sang-ayon ang pamunuan ng simbahan sa mga gagawin ng taumbayan, ay huwag sanang mag-inarte o mabahala ito, dahil ang mga tao ang simbahan na siya namang bumubuo sa katawan ng Maykapal.
Tungkol naman sa EDSA 2 o anumang direktang pagkilos ng taumbayan, hihiramin ko muli ang sinulat ni Fr Marinay;
The current direction of the CBCP to strengthen political institutions to solve and prevent political crises is a kind of a corrective measure of EDSA II which weakened political institution in the sense that it did not wait for the verdict of the Senator-Judges in the impeachment case against Pres. Estrada. It did not respect the rule of law. It did not give the duly instituted political institution a chance to assert itself and prove its strength to handle such a political turmoil. For this reason, the CBCP did not mention EDSA II, for it did not help strengthen our political institutions. The parliament of the streets, also known as mob rule instrumental in the ouster of Erap Estrada was a shortcut to achieve political change. It was counterproductive, for it weakened our political structures.
Muli sang-ayon ako kay Ederic na hindi dahil nagkamali si Gloria Macapagal-Arroyo ay kamalian na rin ang EDSA 2. Hindi ang EDSA 2 ang nagpahina sa mga institusyong pampulitikal kung hindi ang mga kurakot at traydor na opisyales na nagpapatakbo sa mga ito, at nangunguna si GMA.
Nakakalungkot na umabot sa ganitong punto na ang CBCP mismo ang tatalikod sa diwa ng EDSA. Tiyak akong naghuhumilagpos ang yumaong Cardinal Sin saan man siya naroon ngayon sa ginagawa ng mga kasama niyang Obispo’t taong simbahan.
Ang hindi masyadong napag-uusapan noon at hindi rin binigyang pansin ni Fr Marinay ngayon ay kung paanong napahina din ng Administrasyong Arroyo ang CBCP bilang institusyong matatkbuhan ng taumbayan sa panahon na wala silang ibang matatakbuhan upang ipaglaban kung ano ang nararapat at wasto. Paano? Sa pamamagitan ng mga envelopes na kumalat sa mga kasapi ng CBCP.
Sa ganitong punto, hindi na lamang ang mga “political institutions” ang mahina ngayon, ang lipunang Pilipino, kasama ang Simabahang Katoliko sa ngayon, ay bulok na at malapit nang mapalitan.
Car shows are conventions for Air polluters
Aaminin ko na mahilig ako sa mga sports cars, pangarap ko ang makabili ng isang Ferrari F430, pero dahil ubod ng mahal ang kotseng ito at madaming lubak at humps sa kalsada ng Pilipinas, hanggang pangarap na lang siguro ito.
Pero nananatiling buhay ang pagkahilig ko sa mga magagarang sasakyan, bumibili ako ng mga magazines noon, madami din ang akong laro sa PC na tungkol sa mga kotse at karera tulad ng Formula 1, Need for Speed at GTA. Bumili pa nga ako ng isang MOMO Racing Wheel na gawa ng Logitech para kahit man lang sa mga computer games ay nararanasan ko ang pakiramdam ng magmaneho at makiapg unahan kasama ang mga kampyon na sina Michael Schumacher at Mikka Hakkinen.
Hindi lang sa pangarap bagkos ganoon din sa mga realidad ko, sa uri ng aking mga gawain sa loob at labas ng DLSUD, kung saan-saan ako nakakarating. Tuwing maiimbitahan ako na maging ispiker o tagapagsanay sa mga palihan o training workshops, mga conventions, mga seminars at simpleng paglilibang, madaming nagsasabi na kailangan ko ng sariling sasakyan para maging maalwan para sa aking sarili.
Pero hindi, mas gusto ko, mas sanay ako na magbyahe sa pamamagitan ng pampublikong sasakyan. Mas tipid ngayon kaysa sa pagmamaneho ng sariling sasakyan dahil sa ubod ng mahal ng gasolina at krudo. Mas magaan sa pakiramdam dahil pwede akong matulog, magtext at makinig ng tugtugin habang nasa byahe nang walang pag-aalinlangan dahil hindi naman ako ang nagmamaneho.
Pero ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit kuntento ako sa pagiging byahero at hindi nagmamaneho ay dahil sa isa sa aking mga adbokasiya ang pangangalaga sa kalikasan. Sa panahon natin ngayon na lumala ang sitwasyon dahilan sa global warming, ginagawa ko ang lahat ng aking makakaya, sa personal na kapasidad, upang makabawas sa poluyson.
Aminin natin na tayong mga tao lamang ang nakakalikha ng polusyon kaya sa atin lamang pwedeng isisi ang pagkasira ng kalikasan. Nakakita ka na ba ng mga hayop na gumawa ng pabrika para makakuha ng pagkain nila?
Mabalik ako, ano ang koneksyon ng pangangalaga ko sa kalikasan at pagiging kontento sa pagiging byahero imbis na bumili ng sariling sasakyan? Narito ang sagot:
The important sources of atmospheric pollution on a global or regional scale are:
1. Automobiles. According to the U.S. Environmental Protection Agency (EPA), driving a car is the single most polluting thing that most of us do. Motor vehicles emit millions of tons of pollutants into the air each year. In many urban areas, motor vehicles are the single largest contributor to ground-level ozone, a major component of smog.
The primary pollutants produced by automobiles are:
1. Hydrocarbons. They come from the evaporation of fuel, especially on hot days, leaking fluids, and during refueling at gas stations.
2. Nitrogen oxides. Produced by high heat during the burning of fuel.
3. Carbon monoxide. Produced by the incomplete burning of fuel.Modern automobiles pollute much less than older models thanks to emission controls including catalytic converters. But the number of cars is so large, and they are driven so much, they are still major sources of pollution. (source)
Kitams? Malaking kasalanan para kay Inang Kalikasan ang paggamit ng sariling sasakyan ngayon. Pero dahil hindi maiwasan, minumungkahi ko na mag carpool o magsama-sama sa isang sasakyan kung meron ang isa sa mga kasama nyo. May polusyon pa rin dahil sa sasakyan pero nabawasan dahil isang sasakyan lang ang dala niyo, sa halip na tag-iisa kayong lahat na magkakabarkada o grupo.
Sa bayan nga ng Silang kung saan ako lumaki, umuso ang mga scooter o motor na pambinata. Gumagastos sila ng malaki para maging “maporma” ang kanilang motor. May mga ilaw, malakas na soundsystem, magara ang pintura, pero ang resulta ay ingay at polusyon. Sagabal pa nga sa mga prusisyon at parada dahil nakakainis na usok at ingay lamang ang kanilang nalilikha. Ubod pa ng yabang ang karamihan sa mga ito, nagkaroon lamang ng motor ay akala mo kung sinong may mahalagang ginagawa sa lipunan, tambay lang naman pala ang iba. (Pasintabi po)
Ganoon din sa mga kotse o sasakyan na apat ang gulong. Totoong maporma at magarang tingnan, pero sa bandang huli, ano ang epekto nito sa ating kapaligiran? Sa ating mga kapwa tao at ibang nilalang?
Kaya kung mapapansin nyo, noong eleksyon sa DLSUD, hindi kami kumukuha ng mga sasakyan at nagmomotorcade. Bukod sa wala kaming pondo para sa gasolina, Ingay at polusyon lamang naman ang nililikha nito, dagdag dito, nagiging mayabang kami sa mata ng mga nakararaming estudyante na ang iniisip ay nang-iinggit lamang kami sa tuwing may sasakyan kami. Tapos hiram lang pala ang mga sasakyan, kaya sino ang niloko namin? (Muli, pasintabi)
Ngayon, kung ang isang sasakyan at pagmamaneho nito ay isa sa mga pinaka-malakas sa polusyon, ano pa kaya kung magsama-sama ang mga ito sa isang car show o convention?
Sa tingin ng mga may malasakit sa kalikasan ito ay convention ng mga air polluters
The article has
no responses yet