Muli, hustisya para kay Cris Mendez
Kahapon ginirantiya ng Korte Suprema ang hustisya para sa sumakabilang-buhay na estudyante ng UP Diliman na si Nino Calinao na binaril noong Pebrero 19, 1999 matapos sang-ayunan ng mataas na korte ang hatol sa pumaslang na si Resurreccion Ranin Jr.
Kahit na ibinaba ang sintensya ni Ranin na habang-buhay na pagkakabilanggo mula sa unang parusa na kamatayan, ang desisyong ito ng Korte Suprema ay paalaala na posibleng makamit ang hustisya para sa mga estudyanteng biktima ng karahasan, pang-aabuso at pamamaslang kahit sa loob mismo ng mga paaralan at pamantasan.
Ranin, who was seen walking around the UP campus with several companions before the incident, was found to have shot Calinao twice. As the student was crawling on the ground holding his …
Isulong ang Luntiang Rebolusyon
Matagal-tagal ko nang gustong magsulat tungkol sa kasalukuyang krisis sa bigas at pagkain na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Pero hihiramin ko na lang muna ang mga puntos sa editoryal ng Philippine Daily Inquirer ngayon; “Another Green Revolution” kung saan minumungkahi na sundin ang mga payo at rekomendasyon na inihain sa kakatapos lamang na Asian-European Editors Forum sa Bangkok, Thailand.
1. Increasing productivity in rain-fed rice, which could reduce poverty and increase global food supplies.
2. Providing adequate water control by setting up intensive, productive irrigated systems.
3. Developing the means for farmers to adopt and use existing technologies that are known to raise yields.
4. Developing rice varieties that can cope with climate change. Macintosh said that an increase in temperature of …
Simpleng putukan?
Kakaiba talagang mag-isip ang AFP. Ang mga pagpapaputok nila ng mga mortar noong nakaraang araw ng Linggo sa Sulu sa lugar na malapit daw sa kung saan nagtatago ang mga kumidnap kay Ces Drilon at mga kasama nito ay walang kinalaman sa kidnapping at isang simpleng operasyon kontra sa Abu Sayyaf at Jemaah Islamiyah na umano’y nagkataong naroon din sa parehong lugar.
Dahil dito, naglabas ng ultimatum ang mga kidnappers ni Ces Drilon na mamayang tanghali ang palugit para ibigay sa kanila ang hinihinging ransom money. Ang galing talaga ng AFP! Tila ba dahil ibang mga tao daw ang kanilang target ay hindi na makakaapekto ang kanilang mga operasyon sa sitwasyon sa lugar na iyon. Sa palagay ba nila ay …
Ang Taumbayan hindi ang Simbahan
Nakapukaw ng aking interes ang blog post ni Ederic ngayon, “EDSA 2: isang “pagkakamali” ng simbahan?”
Ito ay bunga ng reaksyon niya sa dokumentong isinulat ni Fr. Sid T. Marinay, na inilabas kamakailan ng Archdiocese of Manila. Ang “The Contemporary Brand of Political Activism of the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP): Strengthening Political Structures to Solve and Prevent Political Crises”
Ayon sa pagkakahimay ni Ederic, tila ipinapalabas ni Fr. Marinay na ang EDSA 2 ay isang “pagkakamali” ng simbahan sa dahilang hindi dapat ito nangingialam sa buhay pulitika ng bansa. Nakabase ito sa doktrinang hiwalay ang estado at ang simbahan.
Sang ayon ako kay Ederic nang sabihin niyang:
Hindi ko maintindihan kung paanong ang pakikiisa ng Simbahan sa …
Car shows are conventions for Air polluters
Aaminin ko na mahilig ako sa mga sports cars, pangarap ko ang makabili ng isang Ferrari F430, pero dahil ubod ng mahal ang kotseng ito at madaming lubak at humps sa kalsada ng Pilipinas, hanggang pangarap na lang siguro ito.
Pero nananatiling buhay ang pagkahilig ko sa mga magagarang sasakyan, bumibili ako ng mga magazines noon, madami din ang akong laro sa PC na tungkol sa mga kotse at karera tulad ng Formula 1, Need for Speed at GTA. Bumili pa nga ako ng isang MOMO Racing Wheel na gawa ng Logitech para kahit man lang sa mga computer games ay nararanasan ko ang pakiramdam ng magmaneho at makiapg unahan kasama ang mga kampyon na sina Michael Schumacher at Mikka …
Ang martsa para mag-apila sa Korte Suprema
Kabado kaming dalawa ng aking kasama dahil alas-otso na ng umaga ay nasa Bacoor, Kabite pa rin kami. Akala ko nga, kaya matindi ang trapik ay mayroong mga checkpoints muli sa kahabaan ng Aguinaldo Hi-way. Hinahanap muli kaming mga taga De La Salle Dasmarinas upang harangin at pigilang makapunta sa Adamson University kung saan magtatagpo-tagpo ang mga grupo, estudyante, relihiyoso at iba pa na sasama sa mga Senador na magsasampa ng kanilang apila sa desisyon ng Korte Suprema sa petisyon ni Romulo Neri patungkol sa “executive privilege.”
Pero bakit ba kailangan kami o kahit sino pa mang papunta sa pagtitipong iyon ay harangin. Hindi naman iyon rali, maglalakad lang naman mula Adamson University hanggang Korte Suprema, magsusumite ng apila sina Sen. …
Korte Suprema napasok na rin ng kasamaan
Naglabas na rin ng desisyon ang Korte Suprema sa petisyon ni Sec Romulo Neri. Dito hiniling niya na pagbawalan ang Senado na arestuhin siya dahil sa paggamit niya ng “executive privilege” para hindi sagutin ang mga tanong ng mga Senador na nag-iimbestiga tungkol sa natigil at kontrobersyal na NBN-ZTE deal.
Ang desisyon: 9-6 pabor kay Neri. Tuwang-tuwa malamang ang Malakanyang sa desisyong ito ng Korte Suprema.
Sadyang nakakalungkot at nakakabahala dahil ang desisyong ito ng Korte Suprema ay may halong kontrobersya.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN ganito ang nangyari sa botohan at pagsusulat ng desisyon:
The majority ruling was penned by SC Associate Justice Teresita de Castro.
She was supported in her decision by Associate Justices Renato Corona, Minita Chico-Nazario, Presbitero Velasco, Antonio …
The article has
no responses yet